Nakahiligan ko na ang maglaro ng Lineage II, isang Online Game kung saan pilit kong pinapalakas ang tao ko, karakter ang tawag namin dito, at marahil dahil sa mismong ang karakter mo rin ang siyang binabago nito.
Maliban sa nakakatuwa ang larong ito dahil dito kami nagkikita-kita ng mga kaibigan ko, hindi maiiwasan sa laro ang magkabiruan, magkatuksuhan at magka-asaran, na sa huli ay hahantong sa awayan at personalan.
Importante sa laro ang pangalagaan ang pangalan. Hindi lamang ang karakter mo, kundi pati na rin ang pangalan ng kinabibilangan mo, o tinatawag naming 'clan'. Tingnan ninyo na lang sa susunod na mga Posts ko nito sa http://larongadik.blogspot.com.
Sa araw na ito kasi ay nagkaroon ng programa ang bumubuo nitong laro upang lalo itong mabigyan pansin ng publiko. Sa Mall of Asia ginanap ang palabas at mga palaro.
At dahil nga nakahiligan ko ito, pumunta na rin ako sa pinagdausan upang personal kong masaksihan ang mga mangyayari. Mapa-bata man o matanda, lalaki, babae o ung nasa gitna ay hindi mo akalaing madadarang sa larong ito, at andun silang lahat upang saksihan ang mga nagaganap.
Nung una naisip ko na baka hindi papatok ang ganung programa, dahil kukunti lang ang nakikita kong naglalaro, subalit nagkamali ako. Siksikan din para lang makakuha ng mga libreng souvenirs ng laro, hindi na rin ako nagpahuli.
Pero hindi tungkol sa laro ang nais kong iparating sa araw na ito, kundi ang nabasa ko sa 'Our Daily Bread - January 12' na pinamagatang Your Name is Safe.
Gaya sa laro, pangalan ang importante para magkaroon ka ng reputasyon, at pangalan din ang siyang tinatandaan ng mga kaaway, at ito ang ikinakatakot ng maraming mahihina pa lang.
Kaya't nung magkita-kita kanina sa programa, pilit kong tinatago ang 'name tag' ko, dahil baka isa sa mga nandun ay isa sa mga naka-away ko sa laro o sa mga kasamahan ko. Takot akong personalin at mamersonal na rin.
May mga iilan nga akong nakikita dun at sa aking paglilibot ay tahimik at payapa naman ang lahat. Siguro nga napapraning lang ako sa mga nangyayari sa laro. Marahil naipapamuhay ko na ito kaya't ganun na lang ang pag-aalala ko. Hmmm...hindi dapat, hindi dapat. Ang laro ay laro lang. Sa aking pagiikot ay may nakilala akong isang kaibigan, hindi kami nagkakilala sa totoong buhay, pero kung anong pangalan ng karakter namin ay ganun na lang ang tawagan. Nakakatawa dahil pawang nawala kami saglit sa totoong mundo. Pero sa maikling usapan namin, sa kanya ko nakita kung gano niya pinahahalagahan ang buhay, higit pa sa laro.
Sa repleksyon ko ngayong gabi, galing sa 'Our Daily Bread - January 12' na pinamagatang Your Name Is Safe, nagulat na lang ako kung bakit angkop ito sa nararamdaman ko. Higit sa laro, ang pangalan mo ng buhay ay siyang mas importante sa DIYOS.
He knows your heart and all you think and do;
With Him your name is safe - that will not change -
But one day He will write your name anew.
0 comments:
Post a Comment