Noong nakaraang Biyernes ay nilibre kami ng boss namin sa Giligans sa bagong Trinoma. Nag-aatubili pa ako nung una dahil sa medyo pagod na rin ako pagkatapos ng trabaho. Pero dahil ika nga libre tinabla ko na ang pagod na nararamdaman ko.
Maliban sa libre, makakasama ko pang kumain ang mga kasamahan ko sa trabaho at naging malapit na kaibigan ko na rin.
Masaya ang naging biyahe namin. Sakay sa taxi ay puno kami ng tawanan at halakhakan. Mga katatawanan sa opisina, trabaho at kung anu ano pa ang siyang naging paksa ng talakayan. Sa madaling salita ay napalitan ang pagod ng saya at tuwa.
Ngayon lang ako nakapunta ng Trinoma Mall kaya't manghang mangha ako sa pagkaka-ayos nito. Hindi gaya ng dati na nating nakikitang Malls, kakaiba ang pagkaka-disenyo nito. Puno ng halaman ang palagid at hindi ko akalaing may garden sa taas nito. Para bang hanging garden ang dating para sa akin.
Ang mga tiangge nito ay hindi ang kaswal na bloke lamang, kundi kung ano ang hugis ng gusali ay siyang hugis nito.
Sa tinagal ng ikot namin sa loob ay nakaramdam na rin kami ng gutom, at napagdesisyonan ng boss namin na sa Giligans kami kakain. OK na sana ang lugar, kaso walang bakante sa mga oras na yun, kaya't oras na naman ang siyang aming hinitay. At marahil sa tinagal tagal naming naghintay ay hindi na rin kinaya ng boss namin.
Hmmm, pagkatapos ng mahabang diskusyon at debate sa nagbabantay, nakakuha din kami ng pwesto sa wakas.
Ngunit hindi lamang nauwi sa kainan ang gabing iyun, dahil kagaya ng mga nangyari sa taxi, ay tuloy ang tawanan, hagikgikan at kwentuhan namin. Siguro nga dahil nakakain na kaya marahil dumaloy ulit ang mga enerhiya sa katawan.
Kasama ng mga pictures na kuha sa gabing yun, nakapagbalik tanaw ako sa kung gaano kabuti ang DIYOS sa tao. Dahil sa biyaya ng pagkakaibigan, pagkakaisa at kasiyahan ay napagbubuklod Niya ang mga tao.
What Makes GOD Laugh? - eto ang naging paksa sa 'Our Daily Bread - January 14'. Ang tawa na naiugnay ko sa kwento ko ngayong araw ay kelanman hindi makukumpara sa tawa ng DIYOS, dahil ang Kanyang tawa ay nagbibigay ng katiyakan na si Jesus ay magwawagi sa kasamaan. Kaya't kung sino man ang kasapi Niya ay hindi matatalo kailanman.
In splendor and in might;
It's godly fear of his great power
That helps us do what's right.
0 comments:
Post a Comment