Tuesday, January 15, 2008

Reminisced Puerto

Salamat sa DIYOS at maayos ang naging takbo ng mga gawain ko sa araw na ito. Kahit hindi gaano kaganda ang simula, dahil sa ako'y nahuli na naman pumasok sa trabaho, subalit nagtapos naman ito ng tama. Bungsod marahil ito ng isa na namang masayang usapin at talakayan kasama ang mga ka-opisina ko.

Hindi ko pa marahil naisama sa mga kwento ko ang tungkol sa plano naming magkaka-opisina ang magbakasyon. Matagal-tagal na rin naming plano yun at ngayon nga'y napag-isipan na namin na sa dinami dami ng aming mga ginagawa, ngayon lang ulit kami makapag-relaks. Yung tipong wala kang ibang iisipin kundi ang magpahinga, matulog, kumain...magpahinga.

Kaya't sa araw na ito, todo paghahanap sa internet ang mga kasamahan ko kung saan ang magandang lugar para sa mga kagaya naming pagod.


Noong nakaraang taon ay sa Puerto Galera sa may dakong Mindoro kaming magkakasamang pumunta, kaya't ngayon taon ay napagdesisyonan naming huwag na dun ulit magbakasyon, ika nga, ibang putahe naman.






Marami-rami din kaming nakitang magagandang tanawin, pools at resorts na nakita, subalit ang talagang nakahatak sa amin ay ang Grande Islang Resort sa Subic. Sa letratong aming nakita, mukhang napaka-tahimik ng lugar, at talaga namang kaaya-aya. Hindi ko lubos maitago kung gano ako natuwa na isa iyun sa lugar na pinili ng aking mga kasama. Hindi naman kasi ako mapili sa lugar, kahit saang tahimik ay pwedeng pwede sa akin. Ang habol ko lang ay mapagmasdan ang araw sa kanyang pagsikat hangang takipsilim.


Ito na siguro ang kailangan ng aking isipan, ang matahimik at makapag-isip ng mga bagay bagay sa buhay. Sa aking pagbabasa ng 'Our Daily Bread - January 15' na may pamagat na No Grudges After Sunset ay napagisip-isip ko na pag-usapan na rin ang tungkol sa bagay bagay an nagpapagulo sa buhay.

Hayaan niyong ibahagi ko ang isang verse na nabasa ko :


Do not let the sun go down on your wrath.
- Ephesians 4:26


Dati hirap na hirap akong patawarin ang mga nagkakasala sa akin. Higit pa dun, hangad ko rin ang makaganti. Subalit nang mabasa ko ang verse na ito, ilang buwan lang ang nakaraan, ay unti-unting humupa ang mga kulog ng galit sa aking dibdib. Marahilm, higit akong tinamaan sa linyang ito kaya't at natuto sa aking pagkakamali.

Sadya nga namang masaya at mas ma-eenjoy mo ang buhay kung sa pagtatapos ng bawat araw ay may tuwa sa inyong mga labi at ligaya sa puso dulot ng pagpapatawad.

Mahirap ang magpatawad alam ko, depende kung gano kabigat ang nagawa sa iyo, pero mas higit na mahirap ang may dinadalang sakit ng damdamin sa bawat araw. Kung ang DIYOS nakakapagpatawad - mas higit na ikinalulugod Niya kung tayong mga tao ay ganun din.


Anger, malice, and ill will Can leave a stain of sorrow; Ask forgiveness by His grace Before it is tomorrow!
- Bosch

0 comments: