Marahil nabitin kayo sa nai-kwento ko sa inyo sa kahapong Blog. Minabuti kong ilagay sa araw na ito ang kasunod na mga nangyari dahil sa mahaba-haba rin ang maisusulat ko.
Sa isang daang aplikante na nagbaka-sakaling makapagtrabaho sa Singapore, iilan na lang ang natanggap. Pagkatapos kasi nang unang interbyu ay may kasunod pang isa. Pumasa ako sa unang interbyu, at bali-balitang mahirap ang pangalawang interbyu. Sobrang bait ng DIYOS at nagpapasalamat ako at sa araw na iyun ay hindi ko naramdaman ang matinding kaba sa kung ano ang tatanungin sa akin, bagkus ay kusang lumalabas ang mga salita sa aking bibig. Alam kong nasa tabi ko ang Panginoon nung mga oras na yun.
Matapos ang pangalawang interbyu ay pinhintay ulit ako, hudyat na upang isipin ng mga kasabayan ko na pasado na ako.
Matagal-tagal na proseso din ang pinagdaanan ko. Kinain ang buong araw ko sa paghihintay. Madali akong mabagot sa paghihintay, pero sa araw na yun ay nagawa kong magtiis.
Ilang minuto pagkatapos ng huling interbyu ay tinawag ako ng tagapangalaga ng ahensya upang sabihin sa akin na tumawag na lang daw ako upang kumpirmahin ang status ng aplikasyon ko. Ayun sa kanila, pasado ako, subalit puno na ang listahan ng hinahanap nila, ika nga - nasa waiting list ako, na kung merong aalis o mag-back out, ako ang susunod sa hanay.
Medyo dismayado ang naging reaksyon ko nang sabihin sa akin na ganun. Ang sa akin lang, tanggap kung tanggap at uwi kung hindi.
Hindi naging malinaw ang usapin na yun dahil hindi ko lubos nakuha ang ibig nilan sabihin. Subalit masaya namang akong umuwi, dahil alam kong hindi ako bigo. Napatunayan ko na sa tulong ng DIYOS, kaya ko rin palang makipag-usap sa ibang tao, ibang lahi, nang walang bahid ng takot at pangamba. Na pwede mong ipamukha sa kanila ang iyung dignidag at lahi. Na sa kabila ng lahat ng pangit na nakikita nila sa bansa natin ay may likas tayong harapin sila. Na sa kabila ng lahat, may maipagmalaki pa rin natin ang lahi ng Pinoy na higit nating ipagpasalamat sa DIYOS.
Sana nakuha ninyo ang punto ko, dahil ito ang naging paksa ng 'Our Daily Bread - January 18', Get The Point.
Friday, January 18, 2008
The Results
Posted by
Pinoy Diwa
at
7:13 PM
Lord. I know that salvation is by faith because of Your grace. Help me not to require anything else from myself or others, so that I cannot boast in my goodness - but only in Yours. Amen
A man is not justified by the works of the law.
- Galatians 2:16
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment