Thursday, January 17, 2008

The Interview

Maaga akong nagising sa araw na ito, may importante kasi akong lakad kaya't hindi pwedeng mahuli. Ito kasi ang araw kung kelang darating ang mga may-ari ng kumpanyang ina-aplayan ko sa Singapore, at lahat ng mga nag-aplay ay pinatawag para makita at makausap nila.

Hindi na rin bago sa akin ang ma-interbyu, dahil sa pinagdaanan ko na rin yun sa tuwing nag-aaplay ako sa mga kumpanya. Pero iba ang araw at pagkakataong ito. Ngayon kasi, hindi lokal na mamayan ng Pilipinas ang kakausapin ko kundi isang dayuhan.

Sa trabaho ko, marahil nakausap ko na ang lahat ng klase at uri ng tao. Pero ang kinaibahan nito ay makakausap ko ngayon ang isa sa mga lahi ng personal.

Sa Bayview Hotel nagkita-kita ang mga may-ari at ang mga nagsipag-aplay. Marami-rami rin akong nakilala sa araw na iyun, maliban na sa mga nakasabayan ko nung orientation. Higit kumulang isang daan ang mga taong andun, nagbabaka-sakaling tanggapin at makapagtrabaho sa ibang bansa. Isang daang taong sinagad na sa teknolohiyang trabaho dito sa bansa. Isang daang taong puno ng ambisyon sa buhay.

Matagal-tagal din akong nag-intay para tawagin at ma-interbyu. Mabuti't may hinandang kape. biskwet at mani ang ahensiyang nagpatawag sa amin, kaya't kahit papaano'y nababasawan ang antok at pagod sa paghihintay. Maliban dun, sa tapat mismo ng hotel ay ang napaka-gandang tanawin ng Manila de Bay, kaya't naiibsan ang pagod at buraot sa kahihintay.


Isa-isa nang tinawag ang mga aplikante, at dahil sa marami, nasa kalagitnaan pa ang pangalan ko. Habang kami'y naghihintay isang representante, isang Instik, ng kumpaya ang pumasok sa silid namin upang bigyan kami ng impormasyon ukol sa bansa nila.

Maka-ilang ulit niya ring ikinumpara ang buhay dito sa Pilipinas at ang buhay sa Singapore. Marahil ay naka-ilang beses na ring siyang pabalik-balik dito kaya't alam na alam na niya ang ugali, buhay at baho ng mga Pinoy.

Hindi pa man ako nakapunta sa Singapore ay nakikita ko na ang lugar nila sa mga kwento niya. Maliit lang ang Singapore kumpara sa Pinas, subalit isa ito sa mayamang bansa sa Asia. Malinis ang paligid at higit niyang pinamamalaki ang malinis nilang hangin. Ang kaayusan sa kalsada at ang tahimik na kapaligiran.

Ang problema lang sa Singapore, dahil sa maliit nga lang ito ay ang kawalan nila ng likas na yaman. Biruin mong sa ibang bansa pa kumukuha ng tubig inumin? Pero ganun pa man, napapanatili nilang maayos ang kanilang bansa. Marahil sa mahal ng mga Singaporean ang kanilang bansa kaya't nananatili itong maayos, at hindi naging hadlang ang mga kakulangan upang hindi umunlad ang kanilang bansa.


Napag-isip isip ko na kung tayong mga Pilipino ay may ganung pag-iisip gaya ng mga Singaporean, marahil mas higit na maunlad ang bansa natin. Hindi lang dahil sa may tubig na nakapalibot sa atin, kundi dahil likas sa ating mga Pinoy ang magtulong-tulong, iyun nga lang nakalimutan na natin na walang magagawa ang pagiging matulungin kung alang pag-kakaisa at pagmamahal sa bansa.


Loving The Unlovable ang naging paksa sa usaping ng 'Our Daily Bread - January 17'. Gaya ng nai-kwento ko, maabot lang ang kasaganahan at kaayos kung makukuha nating mahalin ang bansa natin, gaya ng pagmamahal ni Jesus sa atin, na dahil sa kasalanan hindi naman karapat-dapat mahalin.

The Son of Man has come to seek and to save that which was lost.
- Luke 19:10


We need to see through Jesus eyes
Our neighbors who are lost;
For then we will reach out to them
Regardless of the cost.
- Sper



0 comments: