Muli na naman akong nakadalo sa lingguhang pagtitipon naming magkakasama sa pananalig. Sa Blog ko nung 6 Enero, nabanggit ko ang tungkol sa Iglesiang pinaglilikuran ko.
Day By Day Christian Ministry ang pangalang ng iglesiang kinabibilangan ko. Pebrero 4, 2007 nang una akong isama ng isang malapit na kaibigan at kaopisina na si Bro. Dex. Nai-kwento ko na rin lang, hayaan ninyo na lang akong simulan ang bagong kabanata ng aking buhay nung makilala ko ang mga kapanalig ko ngayon.
Marahil may alam na kayo kung saan ako nagtatrabaho, at likas sa pinagtatrabahuan ko ang mahilig at magnais sa mga makamundong bagay. At ito'y dala dala ng pag-iisip hangang sa pagsasalita - problema. Kung susuriin, nababalot sa tukso upang magkasala ang tao - problema. At ang mga bagay na ito'y nasabi ko dahil ako mismo ay kabilang sa ganitong mundo. Magkamali man ako pero sa isip ko, ang ganitong uri ng sitwasyon ay marahil nangyayari din sa ibang uri ng trabaho. Datapwat ang lahat naman ng sinulat ko ay pawang base sa personal kong naranasan, naobserbahan at nasasalamuha.
Kaya't hindi ko akalain na sa pinagtatrabahuan ko ay makikilala akong mga taong magbibigay inspirasyon na hindi lamang puro problema ang buhay, kundi ito'y biyaya na dapat ipagpasalamat.
Maliban kay Bro. Dex ay dito ko rin lubos na nakasama si Pinky. Magkasama na kami sa dati kong pinagtatrabahuan, subalit hindi naman kami gaanong nakakapag-usap. Marahil dahil sa iba ang grupong kinabibilangan ko at ganun din naman siya.
Para bang pinagsanib na pwersa ang ginawa nilang dalawa upang ako'y maimbita sa kanilang paniniwala. Noong una ay hindi ko lubos matanto ang kanilang ninanais, subalit nang ito'y tumagal tagal ay nalaman ko na ang kanilang sadya - na ako'y mapabilang sa Kristyanong Pananalig. Hindi naman naging mahirap para sa kanila na gawin yun, kahit pa nasa isip ko na ako'y isang deboto ng Birheng Maria at sa Simabahang Katoliko lang sumasamba. Marahil dahil naging aktibo na rin ako dati sa 'Youth for Christ' sa probinsya namin kaya't nasa puso ko pa rin ang maglingkod sa DIYOS.
Ibang-iba at medyo balisa ang una kong naramdaman nung nakilala ko na sila pareho ng lubusan. Naalala ko pa nang binigyan nila ako peraho ng Inspirational Book. Isang NIV Bible na binigay ni Pinky (31 Enero, 2007) at ang Daily Bread 2006 na siyang naging katuwang ko sa aking pang-araw araw na debosyon at repleksyon.
Kaya't lubos akong nagpapasalamat sa kanila, na sa kunting panahon ng aking buhay dito sa mundo ay naging bahagi sila nito. Malaki ang naiambag nila sa buong katauhan ko sa ngayon at mga darating pang araw.
Balikan natin ang kwento ko sa araw na ito. Isang leksyon na naman ang natutunan ko galing sa butihing pastor naming si Pastor Ed. Sa araw na ito kasi tinalakay ang importansya ng pagpapahinga ng DIYOS. Ang pagpapahinga ay isang biyaya na bigay ng langit na kung minsan ay nakakaligtaan nating mga tao.
Maliban sa talakayan, kwento at aral, ang higit na nakakapagpa-antig ng damdamin ko ay kung papaano pinagsamasama ang higit kumulang isang libong tao upang makinig sa magandang balita na ito. Paniniwala - ang tawag dito, at ito rin ang leksyon na siyang tinalakay sa 'Our Daily Bread - January 20' na pinamagatang The Difference Faith Makes.
Monday, January 21, 2008
Gathered in Worship
Posted by
Pinoy Diwa
at
4:44 AM
The fool has said in his heart, "There is no GOD".
- Psalm 14:1
Come to the Light, 'tis shining for thee, Sweetly the Light has dawned upon me; Once I was blind, but now I can see - The Light of the world is Jesus.
- Bliss
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment