Pagkatapos ng apat na araw na bakasyon ay balik na naman ako sa trabaho. Minabuti kong pag-igihan ang trabaho ko sa araw na ito dahil alam kong marami-rami na naman akong tatapusin. Hindi nga ako nagkamali, dahil sa bungad pa lang ng araw ay iilan na nagtanong sa akin tungkol sa hinahawakan kong mga kaso.
Hmmm, mukhang gagabihin ako nito sa dami ng kelangan kong tapusin, ngunit hindi yun ang naging problema ko sa araw na ito, kundi ay ang kakarampot na baryang natira sa bulsa ko. Pilitin ko mang huwag isipin ang tungkol sa pera ay hindi ko maiwasan. Kampante naman ako dahil meron pa naman akong inaasahan sa araw na ito, at yun ay ang chequing nakuha ko sa pagloloan ko sa Pag-Ibig, na sa araw na ito ay papalitan na ng aking kapatid.
Subalit hindi pa man kalagitnaan ng araw ay tumawag ang kapatid ko upang ipaalam sa akin na hindi ppalitan ng bangko ang cheque hangga't hindi ang may-ari mismo ang kukuha. Maliban dun ay kailangan ng tatlong IDs para makuha mo ito. Arrgh! dalawa lang ang IDs na binigay ko sa kapatid ko dahil ang pasaporte ko ay nasa Ahensyang pinag-aplayan ko.
Tuliro ako sa mga sandaling iyun, kaya't pati ang bisor at mga ka-opisina ko ay kitang kita ang pagkadismaya ko sa aking nabalitaan. Ngunit kahit na sa ganoong sitwasyon, higit pa rin akong nagpapasalamat sa DIYOS dahil sa mga kaibigang nais tumulong sa kalagayan ko. Andun ang inalok ako ng perang pautang para lang may pantustos hangang sa susunod na sahod. Subalit tinanggihan ko ang mga alok nilang yun, masaya na ako at dinamayan at inunawa ang sitwasyon ko. Napag-isip isip kong kakasya pa naman ang kukurampot na baryang nasa bulsa ko, marahil ang kelangan ko lang gawin ay ang mag-tiis.
Mabait ang DIYOS dahil natapos ang araw na hindi ko narasanan ang magutom o ang mangamba ng kung anong wala bukas.
Marahil ito ang leksyon ko sa araw na ito. Na kahit walang wala ka na, kapag nasa tabi mo ang DIYOS, magkakaroon at magkakaroon ka, hindi man sa material na bagay kundi ang kakuntentuhan ng pag-iisip.
'Our Dail Bread - January 21' tinalakay ang The World Without. Dito nais iparating ni Mateo na hindi sapat ang panalangin upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa mo. Kung meron ka naman bakit hindi mo kayang bahagian ang nangangailangan - nakakalugod sa mata ng tao at higit lalo sa mata ng DIYOS.
Tuesday, January 22, 2008
God Sustains
Posted by
Pinoy Diwa
at
1:15 AM
You pay tithe of mint and anise and cummin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faith.
- Matthew 23:23
If I can right a human wrong, If I can help to make one strong, If I can cheer with smile or song, Lord, show me how.
- Kleiser
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment