Thursday, January 3, 2008

Crossroads

Balik trabaho na naman at sa araw na ito, kelangan kong pumasok para ayusin ang mga naka-pending trabaho.

Pilit ko mang inihahanda ang sarili ko para makapag-concentrate sa trabaho, subalit ang unti-unting pagkasawa sa dati ko nang ginagawa ang nakakapagpahina sa akin. Kelangan ko ng diversion, kelangan may bago. Pero kahit anong pilit ko mang gawin ganun ang uri ng trabahong pinasok ko at kelangan kong panindigan ang responsibilidad ko sa opisina.



Para bagang ang isip ko'y nasa bakasyon pa rin. Gusto kong puntahan ang mga lugar na hindi ko pa naabot, mga lugar na mga panaginip ko lang nakikita...Ito ang buhay sa isip ko, ang dumako sa mga lugar na hindi abot ng realidad, walang iniisip na trabaho, walang problema at puro pahinga...sarap siguro kapag ganun.


Hmmm...kelangan ko na atang bumalik sa realidad ng buhay.

Sabihin niyo man o hindi, marami sa ating mga Pinoy ang mahilig magpantasya habang nasa trabaho, kung hindi man ang tumaas ang pasahod, magkaroon ng magagarang kotse o mala-mansion na bahay. Ika nga mangarap ka na lang, lakihan mo na, dahil sa pangarap nagsisimula ang mga ambisyon. At sa ambisyon nagpupursige ang tao para mabuhay, upang makamit ang mga ito.

Sa pagmuni-muni ko sa trabaho, dito ko nakilala ng lubos ang isa sa ka-opisina ko. Dito ako nagkaroon ng pangarap upang mas lalong pagbutihin ang buhay. Hindi naman sa ikinukumpara ko ang buhay ko sa buhay ng ka-opisina ko, pero mas higit na matatag at mas malakas ang loob ang niya sa pagtugon sa buhay.

Isang separada ang ka-opisina ko, ang tatlong an babatang anak niya at isang kasambahay na lang ang kasa-kasama niya sa buhay. Ito'y matapos na umamin ang asawa niya na meron itong ka-relasyon. Sa kwento niya, hindi ko nabakas ang pagkamuhi niya sa kanyang asawa, kundi higit niya itong inunawa.

Siguro nga iba ang nagagawa ng tunay na pag-ibig, na kahit ang pinakapangit na ugali ng isang tao ay kaya mong tanggapin, kahit 'self esteem' mo ang kapalit ay kaya mong tiisin. Sa aming pagkikwentuhan, napag-isip isip ko kung gaano kabigat ang mga pinagdaanan ng ka-opisina ko.

Kahit na mahigit isang taon pa rin ang nakalipas nang ito'y naganap, ngunit hindi kelanman hindi ko nakita sa mga mata nito ang pagkalungkot. Inamin naman niya na sa mga unang buwan ng kanilang paghihiwalay, pakiramdam niya'y gumuho ang kanyang mundo. Naglaho lahat ng mga pangako pati na ang mga pangarap nila sa buhay.


Malungkot man kung iisipin, pero naging matatag siya sa pagsubok na 'to sa buhay niya. Higit niyang naalala ang kanyang mga anak. At ang mga iyon ang nagin inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang buhay.


Hindi ko lubos maisip na may mga martyr pa palang natitira sa mundong ito. Kung sa akin marahil nangyari ang ganun, siguro naghamok na ako ng away.

Sa katagalan ng aming pag-uusap, nabatid ko na hindi lang pala ang kanyang mga anak ang naging inspirasyon niya upang mabuhay, higit pa dun ang pinaghuhugutan niya ng lakas...ang DIYOS.

Mas pinili niyang mabuhay ng tapat sa kabila ng lahat. Ayun sa kanya, hindi na mahalaga kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanyang katayuan ngaun, o kung ano man ang naging reaksyon niya sa mga pangyayari, ang mahalaga, nanatili siyang tapat sa kautusan ng sakramento at kabanalan ng kasal.

Isa ring Christian ang ka-opisina ko, at yun marahil ang naglapit sa amin upang mas lalo naming maintindihan ang bawat isa.


Ika nga may kanya kanya tayong landas na tinatahak sa buhay, kung iisa ang pananalig at pagtitiwala natin sa DIYOS, naniniwala akong sa susunod na may crossroad magkakasabay tayo upang alalayan ang bawat isa.

Ganito rin ang nabasa ko sa 'Our Daily Bread - Jan 3 Copyright 2006' na pinamagatang A Three-Step Conversion. Tinatalakay dito ang pagtanggap kay Jesus Christ, ang pagsilbi sa Iglesia tapos ang pagbalik sa mundo upang ibahagi ang magandang balitang ito.

Kung babalikan ang buhay ng ka-opisina ko, matapos niyang tanggapin si Jesus at magsilbi sa simbahan, binalik niya sa mundo, sa asawa niya, ang tunay na pagmamahal na sa mga darating na araw ito'y masuklian ng karapat dapat na pag-ibig.

Once we recieve GOD's saving grace New life in Christ has just begun; Then as we study, serve, and pray, We'll seek that others may be won.
- D. De Ham


Those who gladly recieved his word were baptized...They continued daily in the apostles' doctrine.
- Acts 2:41 - 42

0 comments: