Wednesday, January 2, 2008

Dark Light

Medyo pagod at puyat ang pasok ng araw na to. Marahil dahil sa katatapos lang ng pagsaluong ng Bagong Taong at halos lahat ng tao'y ayaw munang pumasok. Yung iba gusto pang e-extend ang bakasyon, sino ba naman ang aayaw ng pahinga, isa na ako dun.

Ngunit sa araw na to, naisipan kong pumasok dahil sa mga naka-pending trabaho, kahit alam kong hindi kakayanin ng katawan ko, nasusunod pa rin ang isip.

Pero sadya atang may mas makapangyarihan pa sa isip ng tao...ito ay ang kapangyarihan ng DIYOS na makakapagpapasya kung ano ang nararapat at tanging karapat dapat para sa kagayang pagod...hindi lamang ang katawan pati na rin ang isipan.

Dahil sa umaga ding ito, inatake ng sakit ng tiyan ang aking kapatid, dulot nito'y matinding pagkahilo at pagsusuka.

Kelangan ko mang pumasok, pero mas higit na mahalaga pa rin sa akin ang buhay. Lalo na't ang kapatid ko ang nangangailangan ng tulong at kalinga. Higit pa dun, inaalala ko ang ang kanyang munting sanggol, ang natatangi at pinakamamahal kong pamangkin. Ang munting anghel namin na rin ang nag-udyok para ako makapagdesisyon na wag nang pumasok.

Sa araw na to, napagtanto ko na higit na nakaka-alam ang DIYOS sa kung anong magiging tama at karapat dapat sa atin. Hindi man ako tuluyan nakapagpahinga, dahil kelangan ko silang bantayan at kalingain, pero nakapagpahinga ang isip ko dahil alam kong magiging nasa ayos na sila kinabukasan.


Hindi ko akalain na ganito rin ang mababasa ko sa 'Our Daily Bread - Jan. 2 Copyright 2006' na may pamagat na Dark Light. Tungkol ito sa liwanag na nakita sa mukha ni Moses pagkatapos niyang makausap ang DIYOS, datapwat ganun na lang ang pagkamangha ng mga tao nang makita nila si Moses, sinabi dito na mas hihigit ang liwanag ng Banal na Espiritu kumpara sa anumang liwanag na nakikita ng mata. Hayaan nyo akong i-quote sa inyo ang nabasa ko...

The law in itself is pure and good
And shows to us which way is right,
But the grace has a glory that excels ,
Flooding our path with Christ's true light.

- Bosch


'Even what was made glorious had no glory in this respect, because of the glory that excels.'
- 2 Corinthians 3:10

Sa anumang bagay, lugar, kundisyon at posisyon na kelangan mong gumawa ng desisyon, d ba't mas makabubuti kung sa nakahihigit na ILAW tayo tumugon. Nawa'y nakatulong to para mailawan ang daan na ating tatahakin sa susunod pang mga araw.

0 comments: