Sa bawat pagsabog ng mga paputok, kasabay nito ang hiyawan at katuwaan ng mga taong nagcecelebrate ng New Year's Eve. Ito kasi ang panahon kung saan pwede na namang gumawa ng New Years Resolution ang mga Pinoy.
Teka, taon taon na lang atang ginagawa ng mga Pinoy yan ah. Hmmm, sana naman kahit papano natutupad ang iba sa mga nilista nila.
Eto rin ang naging sentimento ko sa mga panahong iyun. Medyo malaungkot nga lang sa taong ito dahil kulang kami ng isa sa pamilya. Simula ng umalis ang nanay ko papuntang ibang bansa, naramdaman namin ang pangungulila sa kanya. Halos sa araw araw na dumaan, lalo lang namin siyang kinasasabikan makita. Buti't nagka-usap na kami sa internet paminsan minsan, pero iba pa rin kung harap harapan mong nakakausap ang tanging nanay mo. Salamat sa DIYOS at kahit malayo ang nanay sa amin, ay hindi NIYA ito painababayaan.
Dumating ang ika-1 ng Enero at sumigabong ang mga fireworks, ang mga pagsabog na gawa nito ang nagsilbing mumunting ilaw sa kalawakan. Habang nasa terrace ako ng aming munting bahay, napag-isip isip ko na marahil kung nasa space ako, kay gandang pagmasdan ang nagkikislapang mga ilaw, sa pagkasunod sunod na ayos, mula Asia hangang Amerika.
Tahimik lang ang Bagong Taon sa bahay namin, dalawa lang kaming magkapatid, ang tiyahin ko at ang pamangkin ko ang tanging nag-iingay sa loob ng bahay. Kinapos din kami sa budget kaya kahit iisang triangle ay wala kami. Ok na rin un at nakuntento na kami sa panood na lang. Maigi nga't hindi na namin pino-problema ang maputulan ng daliri o mawalan ng kamay.
Nang huminahon na ang lahat, kasunod nito ang katahimikan na animo'y gugulatin ka kapag hindi ka handa. Eto rin ang naisip ko...
Ano kaya ang magiging kapalarang ng tao sa taong 2008. Ano kaya ang mangyayari sa akin sa taong ito. Hindi ako mapakali at kelangan mag-isip...at mag-isip...pero blurred ang lahat para sa akin.At dito ako takot. Takot akong hindi nalalaman ang mangyayari sa akin, tinuruan akong huwag matakot mamatay dahil wala naman exception dun, pero ang masaktan ka dahil sa hindi mo alam ang siyan ikinakatakot ko.
Kasama sa Blog kong ito ang reflections ko sa araw na ito, at marahil sinagot ng DIYOS ang mga pangamba ko, dahil sa pagliligpit ko, nakita ko ang lumang 'Our Daily Bread Copyright 2006' na binigay ni Pinky, isang matalik kong kaibigan, dito ako nakatugon ng kasagutan.
'Into the Unknown' (January 1). Dito tinalakay kung pano sumunod si Abraham ng walang pag-aalinlangan sa DIYOS, pananalig at paniniwala sa Kanya lang ang kelangan natin upang matahak natin ang daan na hindi natin alam.
'By faith Abraham obeyed when he was called...And he went out, not knowing where he was going.' - Hebrews 11:8
Abraham knew that GOD had called him and had given a promise - and that was enough. He was willing to entrust his future to the Lord.
Sa paniniwala pwede rin tayong maging kagaya ni Abraham. Sa pagharap natin sa pinto ng bagong taon, sana ang panalangin ni David McCasland ng pananalig mapa sa-iyo...
To ventures of which we cannot see the ending,
By paths as yet untrodden,
And through perils unknown,
Give us faith to go out with good courage,
Not knowing where we go
But only that Your hand is leading us
And Your love is supporting us. Amen
0 comments:
Post a Comment