Tuesday, January 1, 2008

Bagong Taon, Bagong Simula, Bagong Pag-asa

Bago ko isambulat ang lahat na aking naiisip, kung meron man, hayaan nyo muna akong batiin kayo ng Manigong Bagong Taon...

Bago ko simulan ang Blog na to, marami rami ding akong naiisip para ito'y mabuo. Una na dun ay ang matutunan kong maisaayos muli ang baluktot kong buhay. Hindi ko naman hangad ang maging perpekto dahil kelanman hindi ako magiging ganun, at sa katotohanan, wala naman talagang taong perpekto, tanging ang DIYOS lang natin ang nag-iisang perpekto na hindi kayang lampasan o ang kanyang kapangyarihan na tumbasan nino man.

Sa paraang ito, mailalahad ko ang aking mga pinagdadaanan sa taong ito. Maitama ang dapat iwasto, mapag-isipan ang mga bagay bagay nang sa gayun magkaroon ng kahulugan itong maikling buhay na binigay sa akin.

Hmmm, medyo huli na nga kung iisipin, dahil dapat noon ko pa ito ginawa, pero naniniwala pa rin akong, habang may buhay, may pag-asang naka-abang upang ako'y muling i-ahon at tulungang pagtagumpayan ang buhay.

Kung bakit ko ito ginagawa, ay para na rin mairecord ang lahat ng aking maiisip sa pang-araw araw. Sabihin na nating ito ang magiging 'diary' ko sa buong taon. Marahil ang gagawin kong to ay hindi lang records ng mga naganap sa aking buhay, kundi pati na rin ang bugso ng aking damdamin, nang sa gayun ay mapag-tuunan ko ng pansin ang mga bagay bagay sa buhay.

Isa rin sa mga rason kung bakit ko to gagawin ay ang makatulong sa paglaganap ng 'advertisement' na makakatulong sa paglago at pag-unlad ng buhay ng tao. Sa pamamagitan nito, sana makatulong din ako sa mga taong nangangailangan, hindi lang pinansyal, kundi pati na rin sa moral na suporta.

At higit sa lahat, ginawa ko to, dahil lubos akong nagpapasalamat sa ating DIYOS sa bagong buhay na binigay niya sa akin. Nawa'y sa pamamaraan kong ito, napupuri ko ang kadakilaan niya. Higit lalo sana akong mapalapit sa kanya, sa pamamagitan ng Iglesya, Kapanalig, mga Kaibigan at Pamilya.

Salamat sa pagtangkilik ninyo sa Blog ko...Samahan po ninyo ako sa aking Araw Araw na Paglalakbay sa Buhay...Ito po ang Aking Diwa...Ito po ang Diwa ng Pinoy...





0 comments: