Friday, January 4, 2008

Freedom Fighters

Thank GOD its Friday! - ito na lang ang laging binabanggit namin ng mga kasamahan ko sa bawat pagdating ng Biyernes. Marahil dahil ito ang last day of the week kung saan ibubuhos namin ang aming natitirang lakas sa trabaho at ihanda ang sarili para sa bakasyon, sa dalawang araw na pahinga.

Hindi ko na lubos namalayan ang oras sa araw na ito, dulot na rin marahil sa dami ng trabahong kelangang tapusin o gawin bago magtapos ang araw. Pero kahit na gaano ka-busy ang karamihan sa amin, hindi kelanman nawala o maiwasan ang tuksuhan at biruan sa mga empleyado na siya lalong nagpatibay ng samahan sa loob ng departamento. Marahil ganun din ang nangyayari sa ibang kumpanya, ika nga may sari-sariling diskarte ang mga tao para libangin ang sarili nila habang nasa trabaho, iwas antok nga naman. Ngunit d ko maiwasan mapagmasdan ang mga katrabaho ko, lalong lalo na ang mga taong binigyan ng designated na trabaho upang humawak ng maliliit na grupo para sa isang proyekto.

Alam na natin na ang mga bisor ay itinakda upang pangunahan ang gawain ng isang departamento, kapangyarihan kung maituturing pero kung susuriin, pawang boses lang naman ang naging instrumento ng kanilang kalakasan.

'Influence' ang tawag diyan. At marahil sa lahat ng bagay, lugar o tao, kelangan may nangunguna, na makapangyarihan at may impluwensya. Ito rin ang magbibigay ayus o kaguluhan sa mga bagay bagay na hawak ng taong nasa kapangyarihan. Iyun din ang pilit kong itinatanim sa isip ko. Marahil kung higit ko nang matutunan ang pamamaraan na iyun, hindi malayong nasa tugatog na rin ako ng aking career.

Ganun pa man, higit sa kapangyarihan upang humawak ng grupo ng tao ang naiisip ko. Hindi ako naging ganun ka-agresibo ngunit naiisip ko rin kung pano mang-impluwensya sa magandang paraan. Makapangyarihan daw ang salita, ang boses na kung ano ang nilalaman ng isip ay siya nitong inilalabas ng bibig, at sa pananalig na kung ano ang sasabihin mo ay mangyayari, may mga oras na talagang nangyayari ito.

Ang pamilya, mga kaibigan, organisyan o sekta na ating kinabibilangan ay may malaking bahagi ng impluwensya sa ating buhay. Aminin man natin o hindi, nakakapag-contribute sila sa kabuuan natin. Subalit, nasa atin pa rin ang pagdedesisyon sa anong tama o mali para atin, 'freedom' ika nga at yun ang dapat nating pakaka-tandaan.




Ito rin ang nabasa ko sa aking araw-araw na pag-rereflect. 'Our Daily Bread Copyright 2006 - Jun 4' ay tungkol sa impluwensya na nakakapagpabago ng pagisip, pamaraan at pamumuhay. Subalit dapat din nating suriin ang impluwensyang nakapalibot sa atin, at higit nating pahalagahan ang mga bagay na makakapagdulot ng dagdag na karunungan at anumang mabuti para sa atin at sa pangkalahatan.

Higit pa dun, wag nating kalimutan na iisa lang ang dapat na manguna at makapag-impluwensya sa atin, sa paraan ng pananalig, at yun ay ang Dakilang DIYOS.

'Let him ask in faith, with no doubting, for he who doubts is like a wave of the sea driven and tossed by the wind.'
- James 1:6



We cannot live our lives alone,
For other lives we touch
Are either strengthened by our own

Or weakened just as much
- Anon

1 comments:

Angel said...

Maayos ang blog mo, kabayan. Iniimbitahan kita na sumali sa Pinoy Entrecard. Paki sundan mo lang ang profile ko...salamat po!