Saturday, January 5, 2008

Life's Options, Life's Choices

Isa lang ang nakatatak sa isip ko sa araw na ito, at yun ay ang text na natanggap ko sa isa sa mga agencies na inaplayan ko abroad.

Tuwang-tuwa ako nung makatanggap ako ng ganung impormasyon, sadyang bumalik ang sigla sa isipan ko, ito na marahil ang sagot sa mga pangarap ko. Matagal tagal na ring hindi ako nakapagpasa ng application ko matapos akong tanggihan ng una kong inapplayan. Dahil ito sa kapansanan ko.

Isa kasi akong 'colorblind' at hindi ang mga kagaya ko ang tinatanggap sa mga kumpanyang gumagawa ng mga masisilan na mga electronic na kagamitan. Hirap akong tanggapin nung umpisa, dahil unang una, mahilig akong gumuhit at magpinta, subalit noon pa man, problema na sa akin ang pag-susuri ng mga kulay. Kaya't nung pinagdaanan ko 'Ishihara Test', dun ko nakumpirma na ang aking kahinaan.

Kayo din pwede nyo nang suriin kung isa kayo sa mga pinalad na maging 'colorblind'. Puro kulay ng bilog ang aking nakikita, pero sa totoo, may nakatagong numerong 6 at 45 sa mga pictures na nilagay ko.

Hindi nga ako't mapakali pagkatapos kong malaman yun, kaya't nagsaliksik ako kung pano nangyari, san nagsimula, ano ang kagalingan at kung ano ang implikasyon nito sa buhay ko.


Kahit colorblind ako, hindi ibig sabihin wala ng kulay ang mundo ko at yun marahil ang kapalaran ko. Buhay na buhay at puno pa rin ng kulay ang mundo ko. Bisitahin ninyo ito http://www.toledo-bend.com/colorblind/aboutCB.html upang higit na maunawaan ang pagiging colorblind ng isang tao. Sa aking pagsaliksik ko rin nalaman na 3 sa 10 ka-empleyado kong lalake ay kapwa ko colorblind...hindi ako nag-iisa, kampante na ako dun.


Sa bago kong inapplayan, hindi linya ng paggawa ng electronic devices ang magiging trabaho, kundi sa opisina, kaya't hindi magiging balakid ang kapansanan ko.

Bago pa man ako pumunta ng orientation ng agency, nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ang applikasyon ko, may kaba akong baka hindi na naman ako matanggap at masaktan lang ako. Subalit nanaig ang pagpupursige sa isip at puso ko, ito ang options ko, may choice ako at pinili kong ipagtulukan ang sarili ko upang maabot ang matagal ko ng pinangarap.

Ikinuwento ng 'Our Daily Bread - Jan 5' ang options natin sa buhay. Na higit nating alamin ang mga choices at options na binigay sa atin, isa yun sa mga biyayang nakakaligtaan nating ipagpasalamat sa araw araw. Sa pinakasimpleng Oo o Hinde, ang kalayaan mo ang siyang natutupad. Kung pipili tayo ng buhay ; (a) walang sakit, walang kalungkutan, walang problema (b) puno ng sakit, puno ng kalungkutan at puno ng problema - siguradong (a) ang pipiliin ng lahat. Sino ba naman ang ayaw ng problema?

Pero kung susuriin, si Jesus namatay sa cross para ibigay sa atin ang ganitong oputunidad. Kung magbabalik loob lang tayo sa Kanya, ipaubaya ang buhay natin, at magtiwala sa Kanya, mas higit na buhay ang magiging option natin - buhay na walang hanggan na kasama ang Panginoon.

Marahil sa lahat ng 'options' na binigay sa atin, isa lang ang gustong iparating ng Diyos, sa piliin siya higit sa lahat.


'Being in torments in Hades, he lifted up his eyes.'

- Luke 16:23


Jedsus is calling, "Today you must choose!"
If you delay, you will surely lose;
Listening now, you can hear the Lord's voice,
Take His salvation - make heaven your choice!
- Hess

0 comments: