Sunday, January 6, 2008

In Times of Hardships

Linggo, araw sana kung saan pupunta ako sa Iglesia para makiniig sa magandang balita. Araw kung kelan sana may mga bago akong matutunan. At araw kung kelan ko sana makakasama ang aking mga kaibagan na matagal-tagal ko na ring hindi nakita.

Marahil, binigo ko ang araw na ito, o marahil binigo ko ang sarili ko dahil sa araw na ito, nakapag-desisyon akong huwag na munang pumunta. May sa kung anong hatak sa isipan ko ang pumigil sa akin, marahil dulot ng pagod ng mga nakaraang araw at gusto ng isipan kong magpahinga na muna. Pero meron pang ibang rason, isa na dun ang pinansyal na aspeto. Kung iisipin kasi, magastos ang pamasahe ngayon, medyo may kalayuan ang sa amin sa Iglesiang pinaglilikungran ko, kaya't medyo mahirap din ang kinakapos ka sa pamasahe. Subalit higit pa pala akong kailangan sa bahay sa araw na ito.


Nawalan kami ng tubig dulot ng pagputok ng isang linya ng tubo ng tubig sa may karatig baranggay. Apektado marahil ang buong lungsod dahil sa nakitang malaking sira nito, at ang masama nito, hindi pa tantya kung kelan ito maayos. May mga bulong bulongan na oras lang ibibilang, meron din araw, ang kinakatakot ko kung abutin ito ng linggo o buwan. Mahaba haba na rin ang pila balde.

Hmmm, mukhang mahirap ata pumasok sa trabaho na walang paligo, kahit na ba ginawa ko na minsan yun, talaga namang hindi ka magiging komportable kapag ganun, at lalong hindi mo magagampanan ang trabaho mo ng maayos.


Sa ganitong mga pangyayari, naalala ko nung minsan nawalan din kami ng tubig sa probinsya. Higit na mas malaki ang pagkaka-iba ng sitwasyon, kung dito sa lungsod ay meron na mga de-motor na pusong naka-abang na gamitin, dun ay hirap kaming pupunta sa maayos at malinis na balon upang mag-igib. At milya din ang layo kung iisipin. Hindi puro patag ang sinasabi ko, aakyat pa kami sa mabato, maputik at madulas na burol para lang marating ang balon. Bitbit ang mga balde, kelangan namin itong punuin para sa pagbalik namin sulit ang hirap at pagod.
Kasa-kasama ko ang nanay ko sa mga panahon na ganito. Dala dala ko ang mga balde o tapayan, habang bitbit naman niya ang mga labahin.

Higit pa akong humanga sa nanay ko kapag may mga unos sa buhay na dumating. Dito niya kasi pinapakita kung gano siya katatag at katibay upang itaguyod ang pamilya namin. Kuwento pa niya, nung bata pa sila, napakahirap kumuha ng tubig, wala pa kasing serbisyo ng tubig noon. At hindi lang minsan nilang gawain ang pumunta sa balon upang mag-igib at magpondo ng tubig, kundi araw araw.

Sa ganung kalakasan ko nakita ang nanay ko, subalit may mas higit siyang lakas na lalong nagpahanga sa akin, at yun ay ang pagpapalaki niya sa amin ng maayos at maka-DIYOS. Minsan ko man makita ang nanay ko na bitbit at nagbabasa ng Bibliya, pero hindi importante sa para sa akin yun, ang mas higit na tinitignan ay kung pano niya naisabuhay ang kanyang mga nababasa.

Ito rin ang naging paksa ng 'Our Daily Bread - Jun 6', kung saan tinatalakay kung pano naisabuhay ni Ezra ang sinasabi sa Bibliya.

Ezra had prepared his heart to seek the Law of the Lord, and to do it, and to teach statutes and ordinancies in Israel
- Ezra 7:10

When we take time to read GOD's Word,
Out heart is filled with pleasure;
So let's relate the truth we've heard -
With others share the treasure.
- Hess

0 comments: