Saturday, January 12, 2008

Drawn By The Cross

Kung nasubaybayan ninyo ang nakaraan Post, tungkol ito sa ugali nating magtago kapag may kasalanan. Sa araw na ito, higit lalong nagpa-igting ang mga salitang binitiwan ni Apostol Paul sa akin.

Huwebes ngayon at naging regular na gawain ng kapatiran ang magtipon-tipon para papurihan ang Panginoon, na pinangungunahan ng napaka-buti at responsabling pastor naming si Dan. Higit kumulang isang buwan na rin na hindi ako nakakasama at nakakapagpasalamat sa DIYOS na kasama sila, kaya't sa araw na ito, bagong bago ang pakiramdam ko.

Nakalimutan kong sabihin na kasama pala ako sa mga mang-aawit sa paglilingkod sa DIYOS sa aming samahan, kaya't napakalaking karangalan para sa akin ang mapabilang sa ganung serbisyo. Pagkatapos ng paghahanda at pagsasanay para sa araw na ito, ramdam kong handang-handa na ang lahat...maliban marahil sa akin.

Hindi ko matanto kong nagkataon lang ang lahat ng nangyari, pero bago simulan ang papuri at paghahandog, sinagluban ako ng kung anong sakit sa tiyan. Kaya't sa halip na ako'y nakapagbigay pugay sa langit sa pamamagitan ng pag-aawit ay pilit kong dinadama ang sakit na aking naramdaman. Higit na nakaka-alam ang DIYOS, marahil alam Niyang, hindi handa ang kalooban at isip ko sa araw na iyun kaya't hindi Niya ito pinahintulutan. Ganun pa man, napakabait ng DIYOS, dahil binigyan Niya ako ng pagkakataong mapakinggan ang kanyang mensahe.

At gaya nang nauna kong salaysay, ito'y patungkol sa lumalamig na relasyon sa DIYOS sa tuwing nagkakasala tayo. Isang pagkakataon nga lang ba? Para sa akin, alam ng DIYOS ang karapat-dapat kong matutunan, at 'yun ay ang mapalapit lalo ako sa Kanya, sa pagtatanggap ng mga kasalanan ko at ang matika sa mga pagkakamali ko.

Aaminin kong kahit sa mga oras na ito, may mga kasalanan akong dinadala na kahit anong pilit kong talikuran ay sadyang nagagawa ko pa rin. Marahil kailangan kong isipin na kailanman hindi lalayo ang tukso, subalit may kalayaan tayong pumili kung yayakapin natin ito o magdesisyong layuan na. Nakapagpili ka na ba?

Drawn By The Cross ang pamagat ng talakayin sa 'Our Daily Bread - Jun 10'. Dito tinalakay na kahit gaano kalaki ang problema kung ipagpaubaya natin ang buhay natin sa DIYOS ay walang ibang makaka-alis sa atin sa Kanyang hawak.

I, if I an lifted up from the earth, will draw all people to Myself.
- John 12 :32

Hayaan ninyo akong ibahagi ang nilalaman ng pedestal ng Statue of Liberty ng Amerika :

Give me your tired, your poor, Your huddled masses yearning to breathe free, The wretched refuse of your teeming shore; Send these, the homeless, tempest - tossed, to me : I lift my lamp beside the golden door.


Sa pagtitiwala natin kay Jesus bilang tagapagligtas natin, tayo's nagkaroon laya sa ating mga kasalanan.

Lord Jesus, I know I'm a sinner and cannot save myself. I need You as my Savior. Thank You for dying in my place and rising again. I believe in You. Please set me free from my sin. I want to live with You in heaven someday. Amen.

0 comments: