Saturday, January 12, 2008

Open Book

Kalagitnaan ng linggo at sa normal na araw, ito marahil ang nakakapagod. Miyerkules kasi kaya't lahat ng hindi natapos na trabaho noong nakaraang araw kelangan tapusin. Base sa tinagal ko sa pinagtatrabahoan ko , ito rin ang araw kung kelan marami raming tawag kaming natatanggap.

Umph..matagal tagal na rin pala tayong nagsasama sa paglalakbay kong ito, pero marahil hindi niyo pa ako gaano kilala, o kahit ang pinakasimpleng personal na impormasyon man lang. Hindi ko naman hangad na kilalanin ninyo ako ng lubos, at lalong hindi ko hangad na ma-publiko. Pero bilang kaibigan, kasabayan, kapatid at kababayan, hindi ba't mas nabibigyan natin ng halaga ang isang bagay o tao lalo na't alam at kilala natin. Ganun din ang nararamdaman ko sa tuwing bumibisita kayo sa Blog ko. Hangad ko lang ang maibahagi sa inyo ang mga nararanasan, nararamdaman at naiisip ko sa araw araw. Sana'y sa pagbabasa ninyo at pagsusulat ko ay magkaroon tayo ng pagpapahalaga sa bawat isa.

'Makoy' ang tawag ng pamilya't kaibigan ko sa akin. Nais kong ganun din ang tawag ninyo sa akin, kung saka-sakaling mag-kros ang landas natin. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang 'Call Center' - marahil alam niyo na dahil sa mga una kong salaysay.


Nagkahiligan ko ang pag-baBlog pagkatapos kong makita ang Blogs ng mga kaibigan ko. Tulad marahil ng nakararami, ang buhay ko ay isang bukas na aklat, handang sulatan at ipabasa sa nakararami. Aaminin kong marami-rami rin akong punit na pahina, buradong kabanata, subalit hindi yun ang naging hadlang upang ipagpatuloy ko ang nasimulan ko na.

Sa mga nakasubaybay, matagal-tagal din akong hindi nakapagBlog, kinkapos din sa panahon at oras ang inyung lingkod, na kahit anong pilit kong pinagkakasya ang oras upang maibahagi sa inyo ang personal na leksyon na natutunan ko sa lumipas na araw, ay siya ring pilit na pinagsiksikan ng oras ang mga responsibilidad ko sa buhay.

Sa katatapos ko lang basahin ang 'Our Daily Bread - Jun 9' na pinamagatang Burying Our Heads, dito isinalaysay ang nagiging ugali natin sa tuwing may pagkakasala tayo o ang mga kaptiran natin, reaksyon natin ang magtago at lalong lumayo. Subalit iba ang nagiging reaksyon ni Apostol Paul. Ayun sa kanya, mas lalo naging pagtibayin ang paniniwala natin kung tayo'y nagkakamali. At kung tayo'y malakas sa paniniwala, hindi ba't dapat nating damayan ang mga mahihina.

If a man is overtaken in any trespass, you who are spiritual restore such a one in a spirit of gentleness.
- Galatians 6:1


Father, help me live today
With thoughtfulness in what I say,
Confronting wrong with truth and fact,
Expressing gentleness and tact.
- Hess

0 comments: