Nakakapagod ang araw na ito, sa paggawa sa pagsasalita at sa pag-iisip. Ito rin ang kauna-unahang araw ng taon kung kelan ako nahuli sa trabaho ko. Kaya't naisip kong ibahin ang tema ng aking pakikipagsalamuha sa tao, pinilit kong maging masayahin, palatawa at palabiro - subalit panandalian lamang ang mga iyun.
Pagkatapos ng araw ay muli na naman akong sinakluban ng lungkot at takot. Nangangambang wala na naman akong malinaw na daan na tinatahak sa patuloy na pagdaan ng oras. Naiisip kong isang araw na naman ang nasasayang. Panahon na kailanman hindi na pwedeng ibalik pa.
Bunsod marahil ng matinding pag-iisip kaya ako nagkakaganito. Problema sa bahay, ka-pamilya, trabaho, mga naglahong pangarap at pera ang siyang pilit kong binibigyan linaw.
Subalit sa pagpupumilit kong isa-isahin sa lohikal na pamamaraan ng pag-iisip ay mas lalong lumabo ang mga solusyon na nakikita ko. At kahit anong pilit kong iwasan ang mga ito, ay mas lalo pang nadadag-dagan ang problema ko, na kung minsan ay umabot na pagkakataong takbuhan ang aking responsibilidad sa buhay. Kaya't kahit mahirap, patuloy pa rin akong lumalaban. Hindi ko man alam kung hangang kailan at saan, pina-uubaya ko na lang sa DIYOS, dahil siya lang ang tanging nakaka-alam.
Aamin ko na kung minsan ay nakakaligtaan kong nandyan ang Panginoon ko para ako'y gabayan, kaya't ang 'panalangin ko sa araw na ito at sa darating pang mga araw na ako'y Kanyang hawakan at huwag bibitiwan kailanman, dahil ako'y mahina at sa oras na ako'y gipit at akmang bibitaw, hawak Niya'y hihigpit, ang Panginoon ko ang magiging lakas ko sa pang-araw araw. Amen.'
Ang mas lalo Siyang kilalanin marahil ang kulang kung bakit minsan ay sadyang marupok ang mga tao. Kaya't ito rin ang nagiging paksa ng 'Our Daily Bread - Jun 8' na pinamagatang Our Eternal GOD. Lahat sa mundong ito ay maglalaho, ngunit hindi ang ating DIYOS at ang Kanyang Kaharian. Marahil iwas-iwasan an natin ang matitinding pag-iisip ng kung ano anong solusyon sa buhay, dahil sa huli, tanging ang DIYOS lang na makapangyarihan ang may alam - magpaubaya lang, siya na ang magiging daan.
In light inacessible hid from our eyes,
Most blessed, most glorious, the Ancient of Days,
Almighty, victorious - Thy great name we praise.
0 comments:
Post a Comment