Sunday, January 27, 2008

A Friend's Company

Ang kabuuang report para sa aming departamento ang ginawa ko buong maghapon. Pinakiusapan kasi ako ng aking bisor na gumawa ng ulat tungkol sa mga pangyayari sa loob ng departamento at kelangan kong ilahad lahat ng numero, eto'y ipipresenta sa nakakataas upang mapagbigyan ang aming hiling na magdagdag ng tao.

Hindi ko akalain na ganun pala talaga ka-hirap ang maging isang bisor.

Litong-lito na ang aking isipan at nananakit na rin ang aking mga mata sa kakatitig ng mga numero, pangalan at linya. Sa pagkakataong ito ay gusto ko ng itigil ang aking ginagawa at hayaan na lang kung anong natapos ko. Subalit napag-isip isip ko na sa katapusan ng araw, ako rin naman ang dehado. Kaya't kahit namimikit mikit na ang mga mata't nagluluha luha na ay tuloy pa rin ang trabaho.

Sa awa ng DIYOS ay natapos ko rin lahat ng dapat kong tapusin bago pa man matapos ang araw. Nailathala ko na sa isipan ko ang mga dapat kong gagawin pagka-uwi sa opisina, ngunit nagyaya ang isa sa mga kaopisina ko na si Mark ko na manood ng sine.

Hmmmm...ito ang naging bisyo ko dati. Sa halos bagong palabas na pelikula ay hindi ako absent upang panoorin ito. Sa madaling salita, adik ako sa panonood ng mga pelikula, at hilig kong manood ng mga pelikulang may mga mahika, dahil kaka-bilib ang mga special effects na ginagamit.


Alien vs. Predator 2 ang palabas, at hindi naman naging mahirap sa kasamahan ko na yayain ako dahil naging paboritong pelikula ko rin ang unang sekwel nun.

Medyo maselan nga ang naging reaksyon ko sa unang palabas nito. Marahil dahil na brutal na pinapakita ang pagpatay sa isang tao. Kahit na ba sabihin nating pelikula lang yun, malaki ang magiging impak sa mga kabataan kung yun ay napanood nila.

Kaya't dapat na mag-ingat ang mga sinehan sa ganitong mga bagay, dahil sa kanila nakasasalay ang magiging ugali ng mga nanonood.


Pero dahil medyo maaga-aga pa ay kumain muna kami sa Teriyaki Boy.

Naging paborito ko rin ang kainan na ito, maliban sa masarap ang mga pagkain nila ay napaka-kumportable ang lugar para lumamon..hehehe...

Isang All Time Favorite Chicken ang inorder ko, at ganun din sa kasama ko. At aaminin ko, sa buong pagkakataong kumakain ako dito ay iisa lang ang inoorder ko.


At hindi maikakailang kapag masarap ang kainan ay mapapasarap din ang kwentuhan. Gaya ng kwentuhan sa opisina, nauwi sa buhay buhay, pamilya at pag-ibig. Nakow!. kahit kelan hinding hindi nawawala ang diskusyon sa bagay na ganyan sa halos lahat ng talakayan na maririnig sa radyo man o sa telebisyon.

Itanong ninyo na lang kay Mark kung ano ang napa-usapan, medyo personal na rin kung iisipin, kaya't hayaan na lang natin ang bagay na yan sa kanya.

Mabait itong kasama kong si Mark, sa pangalawang pagkakataon ay nanlibre na naman siya. Nung una ay nung kumain kami sa Buddies Pancit, at ngayon ay ang manonood kami ng sine.

Sa pagkapasok ko pa lang sa loob ay medyo nanigas na ako sa lamig. May sipon at medyo makati na ang lalamunan ko sa umaga pa lang, senyales ng trankaso. Pero binalewala ko lahat yun, at itinuon ko ang isip at mata ko sa panonood.

Hindi nga ako nagkamali, nakapaselan nitong palabas, sa una pa lang ay pinakita na kung pano namatay ang isang bata. Hmmm...kaya siguro nung bumibili pa lang si Mark ng tiket mag-isa ay tinanong siya kung sino ang kasama. Hahaha, marahil inakala ng mga nagtitinda na isang musmos na bata ang kasama niya.

Matinding aksyon din ang aking nasaksihan sa buong palabas. Nag-iisang Predator kalaban sa napakaraming Aliens - astig hindi ba?. Subalit hindi naman siya ang tinuring na bida, dahil sa huli binombahan na lang ng mga National Guards at Security ang area kung saan nagkalat ang mga Aliens. Sa higit kumulang limang libong katao sa bayan na yun, apat lang ang nakatakas at nabuhay.

Marahil ang leksyon natutunan ko sa pelikulang ito ay ang manatiling matatag at magtiwala sa DIYOS, kahit sa napakahirap na sitwasyon. Dahil sa huli ang DIYOS lang ang nakaka-alam.

0 comments: