Wednesday, February 6, 2008

Demon Possession

Dahil sa okupado ang oras sa trabaho sa opisina at sa bahay, medyo matagal-tagal din tayong hindi nakapag-usap. Aaminin ko, sabik na rin akong makasama kayo muli sa paglalakbay sa buhay.

Kund iisipin at bibilangin ang mga sandali, ang mga aral at ang mga pinagdaanan ko sa nakalipas na dalawang linggo, marahil ay kukulangin na naman ang isang Blog ko para lahat ng ito'y aking maibahagi sa inyu. Hayaan ninyo akong ibahagi ang mga importanteng leksyon na natutunan ko sa mga sandaling tayo's panandaliang nagkawalay.

Hindi ko marahil naibahagi sa inyu ang mga aral na nakamit ko nung lumipas na Huwebes, 31 Pebrero, kung kelan ulit nagkikita-kita at nagtipon ang mga kapatiran at mga kapanalig upang muling magbigay puri sa Maykapal.

Nung panahong iyun ay naisama ko Pinky upang makibahagi sa pagtitipon sa mga sandaling iyun. Sa abot ng aking naalala, ang sulat ni Pablo sa Romans 12 ang tinalakay ng aming butihing si Pastor Daniel. Inisa-isa niya ang kahulugan ng nakasulat upang itoy lubos naming maintindihan. Tinalakay din dito ang kahalagahan ng mga biyaya at regalo na ipinagkaloob sa langit - at ito'y lubos na tumatak sa aking isipan - na kung ika'y may talentong umawit, umawit ka ng buong puso, kung may kakayahang mamuno, mamuno ka ng buong dignidag, at kung may kayang magbigay, magbigay ng may kagalakan.

Ibang aral naman ang natutunan ko pagdating ng Linggo, kung kelan muling nagtitipon-tipon ang lahat ng miyembro ng organisasyon, at sa Bulwagan ng Panginoon - Folk Arts Theatre yun ginaganap. Dati ko ng nabanggit ang simbahang aking kinabibilangan ang Day by Day.

Tinalakay ni Pastor Ed ang tungkol sa 'Pagsanib ng Demonyo' sa tao. Marami-rami ring siyang tinalakay sa paksang ito, pero naging simple ang aral na napulot ko - maraming tao ang sinasaniban ng kung anong espiritu at nawalan ng katinuan sa pag-iisip, dahil na rin sa kawalan ng pag-asa, pag-aaruga, pagtanggap at pagmamahal.

Kung ating susuriin ang kalagayan natin sa bansa, higit na marami ang nangangailangan ng pag-aaruga, pagtanggap at pagmamahal - nanaisin mo bang mabuhay sa bansang puno ng baliw at nasisiraan ng bait? Nawa'y matuto tayong umunawa sa kalagayaan ng mga nakararami, tumulong sa higit na nangangailangan at mahalin ang isa't isa.

0 comments: