Friday, March 28, 2008

0

Memoirs of Montemar

I totally have no idea what to write on this one. As far as I can remember, the rest of our stay in Montemar had been memorable to me.

It was not just about the sand, the beach, nor the view that wrapped us with relaxation, but it's more of a deeper thought of friendship for everyone who had been a part of that trip. That fellowship that I had with my officemates, I would say a GOD given time for us.


The smile made us comfortable to share and the extraordinary laughters showed how eager we were to become like child again.

A Child free of worries and of hesitations to know and experiment what's the real world is like. A Child that I longed to embrace until the last day of my stay in this world.

The pictures showed the activity of the second day of our stay in Montemar.


Funny as it was, but it was the time when everyone got to have their share in bringing out the kid in them.

We were supposed to take a good picture of everyone taking a leap off the sand, the usual scenario being done by a group like us whenever there's a good chance of having a memory to keep. However, after several attempts of doing so, we were not kinda satisfied...not until we finally saw the outcome of every picture...wasn't that bad at all..in fact it's another picture perfect shot.

Indeed Montemar had been our gateway to experience life beyond our daily tasks. It was quite an amazing experience that even before we left, the group had decided to plan another stressful-life-get-away-trip. I for sure will then be part of it.

As we left Montemar, we took nothing but pictures and left nothing but footprints...hoping that when time comes for us to trace our track...those footprints will lead us to where once we had been...a peaceful mind, relaxed heart and an uplifted spirit to live life to the fullest.

Don't be deprived of such things, GOD had made these for man to enjoy, in accordance to HIS will!

Until then...

Friday, March 21, 2008

0

More Than a Beach

Whew! It's been quite a while, since I've spoken about my funny trip experience all the way to our vacation spot, yet the entire story had never been told. Well, hope I could fill you in with more pictures this time. =)

After we left Jollibee Pampanga, the team decided that we headed for a tour on a beautiful Corrigidor Island, and it took about another hour before we came to a stop to check our plans feasibility, only to find out that hiring a private boat was quite expensive. Ouch! But it wasn't so much pain for us, and to compensate it, we filled the area with jokes and laughters instead. No bitterness, no pressure, no worries. I then caught myself realizing that the feeling was exactly the same as when I was a kid - Hakuna Matata. A heavenly feeling that I know God would like everybody to experience.

The trip from the supposed port to Corrigidor to Montemar was a bit exciting as well. The zigzag roads, had given us idea that we're in roller coaster ride. Seating at the rear side of the van gave us a thrill on that ride. And it took about another hour until we finally reached our destination - The Montemar Beach Resort.

Trust me, I've seen the eyes of the group, just like me, we were engulfed by an awesome place. We could hardly wait on what to do, so we decided to take a li'l tour inside. The pictures tell it all.


And with an empty stomach, our supervisors had been so kind enough to feed us in the resort's restaurant. I realized that most of us who had been there aren't really starving for food, instead we craved for a relaxing time to realize things and to regain oneself from a hard days of work. I have then told myself that I will never be deprived of such things in life. God wants everyone to be happy and light - a promise that never fails.

Friday, February 29, 2008

0

Full Fun Trip

Gaya ng ating napag-usapan nung nakaraang Blog ko, magpopost ako ng mga pictures ng experiences ko sa Montemar Bataan.

Hayaan ninyo naman akong ibahagi ang Blog kong ito na nasa English na format. Marahil sa mga susunod kong mga Blogs ay English na rin ang aking gagamitin.

May the pictures tell the entire story of our journey :

It was early as four o'clock in the morning, still dizzy due to such minimal amount of sleep, my good friend Lyle and I packed our things and head straight to the meeting place, McDonalds West Ave.

Everyone's so anxious on what's waiting for us throughout the entire journey.

Almost all of us have not yet seen Montemar, the very reason why we are all so excited to go. For us, this would be an escape that happens once in a lifetime.

Even before we got all into the van, I got a feeling that the journey would be the an awesome one, and my guess has not failed me. Inside the van were laughters that were never been heard, smiles that were seen in children's faces and weary eyes yet full of anticipation to where we're heading.


After an hour ride from West Ave., we have come to a stop at Jollibee Pampangga or our breakfast before we move on to another hour of ride.

T'was not only about breakfast, but a funny morning routine were jokes and pranks are always on our menu.

Then whole lots of pictures followed even before we head off the actual location. Quite a picture perfect for everybody isn't it?

For me, the anticipation to our destination wasn't really the highlight of our outing, but the lessons learned throughout the journey's experiences.

On our next Blog, we still got lots and lots of pictures to post, lessons to share and memories to relive.

Hope you join me in exploring more lessons in Life till our next Blog. Then again, this is the Diwa of Pinoy - speaking, bursting, reaching out.

Saturday, February 23, 2008

1

A Friend's Hospitality

Kamusta kamusta? Sa muling pagkakataon nakasama ko na naman kayo. Matagal tagal na panahon din tayong hindi nagkasabay, nagkasama, nagkausap. Mahirap man ipaliwanag ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, iisa lang ang naiisip kong rason para lubos niyong maunawaan kung bakit hindi ako nakapagsulat at nakapagbahagi ng buhay ko - abala lang sa dami ng trabahong ipinukol sa akin sa opisina. Oras at panahon para magpahinga ay naniig sa araw araw.

Pagod sa kakaisip, kakasalita at pakikiramdam ang siyang naging pabigat sa buhay ko. At pahinga ang tanging paraan para ako'y makapagpatuloy.

Sa mga nakapagbasa ng dati ko nang naisulat tungkol sa aming magkakaopisinang pagbakasyon, ngayon ko lang ulit ito mauungkat. At sa pagkakataong ito, hayaan ninyo akong ibahagi ang aking naging karanasan sa pagpunta ko sa Montemar, Bataan.

Mahaba-habang kwentuhan ito, kaya't kung ako sa inyo, magbaon na kayo ng inumin at makakain. Hmmm hindi naman ito nobela, maikling kwento lang po.

Gabi ng Ika-walo ng Pebero, napagdesisyunan na namin ng kaopisina at kaibigan kong si Lyle na dun na matulog sa kanila dahil maaga pa ang alis namin kinabukasan. Sa McDonald's Quezon Ave. ang magiging tagpuan ng grupo, at mahihirapan nga naman ako kung manggagaling pa ako ng Taguig, samantalang iilang bloke lang ang layo nun sa bahay nila Lyle.

Maghahating-gabi na rin ng dumating ako sa bahay nila Lyle. Ang buong akala
ko ay tulog na ang mga kasama niya sa bahay, subalit halos lahat ay gising pat nanood ng movie. Medyo naiilang ako dahil hindi ko pa lubos na kilala ang mga kapatid at magulang nito. Pero kung iisipin, malaki ang naging utang na loob ko sa pamilyang ito, dahil sa kanila nanggaling ang monitor na ngayong ginagamit ko. Dalawa sa apat na kapatid ni Lyle ay nanood ng pelikula, at sa katagalan ng panood namin ay naging kampante naman ang pakiramdam ko. Maliban kasi sa nakakausap ko na sila, nakakasama ko rin sila sa larong Lineage, kaya't hindi rin gaanong kahirap para sa akin ang makibagay.

Alien vs. Predator 2 ang pinapanood namin, eto rin ang naging paksa ko nung nakaraan. Pero manghang-mangha lang ako't kahit na pirated ang copy nito ay mas malinaw pa ito keysa sa sinehan.

Pagkatapos ng palabas ay isa na namang palabas ang pinanood, The Invisible. Tungkol ito sa isang matalinong batang, napaghinalaan, sinaktan at naka-coma ng tatlong araw - resulta upang lumabas ang spirit nito. Ang masama nito, ang buhay niyang katawan ay itinago kaya't hirap na hirap sa paghahanap ang pamilya at mga pulis sa kanya. Sa katauhan ng espiritu, gumawa siya ng paraan para makita ang kanyang katawaan. Naangkop ang palabas sa mga kabataan, dahil sa bata pa ang bida at ang pagiisip ay naayon sa mundo ng mga kabataan.

Halos mag-aalas dos na ng madaling araw nang kami'y natapos sa pelikula at natulog.

Alas kwatro ay mulat na ang mga mata, ngunit tulog pa ang diwa namin ni Lyle. Medyo nagising na lang kami ng tuluyan ng nagkitakita na ang grupo sa nasabing tagpuan.

Hmmm...mukhang napahaba na naman ata ang sulat ko...teka teka...putulin muna natin 'to at sa susunod na araw ay buong pahina niyo nang makikita ang ibig kong sabihin. Bitin ba? Hehehe.

Abangan ang susunod na kabanata....


Wednesday, February 6, 2008

0

Demon Possession

Dahil sa okupado ang oras sa trabaho sa opisina at sa bahay, medyo matagal-tagal din tayong hindi nakapag-usap. Aaminin ko, sabik na rin akong makasama kayo muli sa paglalakbay sa buhay.

Kund iisipin at bibilangin ang mga sandali, ang mga aral at ang mga pinagdaanan ko sa nakalipas na dalawang linggo, marahil ay kukulangin na naman ang isang Blog ko para lahat ng ito'y aking maibahagi sa inyu. Hayaan ninyo akong ibahagi ang mga importanteng leksyon na natutunan ko sa mga sandaling tayo's panandaliang nagkawalay.

Hindi ko marahil naibahagi sa inyu ang mga aral na nakamit ko nung lumipas na Huwebes, 31 Pebrero, kung kelan ulit nagkikita-kita at nagtipon ang mga kapatiran at mga kapanalig upang muling magbigay puri sa Maykapal.

Nung panahong iyun ay naisama ko Pinky upang makibahagi sa pagtitipon sa mga sandaling iyun. Sa abot ng aking naalala, ang sulat ni Pablo sa Romans 12 ang tinalakay ng aming butihing si Pastor Daniel. Inisa-isa niya ang kahulugan ng nakasulat upang itoy lubos naming maintindihan. Tinalakay din dito ang kahalagahan ng mga biyaya at regalo na ipinagkaloob sa langit - at ito'y lubos na tumatak sa aking isipan - na kung ika'y may talentong umawit, umawit ka ng buong puso, kung may kakayahang mamuno, mamuno ka ng buong dignidag, at kung may kayang magbigay, magbigay ng may kagalakan.

Ibang aral naman ang natutunan ko pagdating ng Linggo, kung kelan muling nagtitipon-tipon ang lahat ng miyembro ng organisasyon, at sa Bulwagan ng Panginoon - Folk Arts Theatre yun ginaganap. Dati ko ng nabanggit ang simbahang aking kinabibilangan ang Day by Day.

Tinalakay ni Pastor Ed ang tungkol sa 'Pagsanib ng Demonyo' sa tao. Marami-rami ring siyang tinalakay sa paksang ito, pero naging simple ang aral na napulot ko - maraming tao ang sinasaniban ng kung anong espiritu at nawalan ng katinuan sa pag-iisip, dahil na rin sa kawalan ng pag-asa, pag-aaruga, pagtanggap at pagmamahal.

Kung ating susuriin ang kalagayan natin sa bansa, higit na marami ang nangangailangan ng pag-aaruga, pagtanggap at pagmamahal - nanaisin mo bang mabuhay sa bansang puno ng baliw at nasisiraan ng bait? Nawa'y matuto tayong umunawa sa kalagayaan ng mga nakararami, tumulong sa higit na nangangailangan at mahalin ang isa't isa.

Sunday, January 27, 2008

0

A Friend's Company

Ang kabuuang report para sa aming departamento ang ginawa ko buong maghapon. Pinakiusapan kasi ako ng aking bisor na gumawa ng ulat tungkol sa mga pangyayari sa loob ng departamento at kelangan kong ilahad lahat ng numero, eto'y ipipresenta sa nakakataas upang mapagbigyan ang aming hiling na magdagdag ng tao.

Hindi ko akalain na ganun pala talaga ka-hirap ang maging isang bisor.

Litong-lito na ang aking isipan at nananakit na rin ang aking mga mata sa kakatitig ng mga numero, pangalan at linya. Sa pagkakataong ito ay gusto ko ng itigil ang aking ginagawa at hayaan na lang kung anong natapos ko. Subalit napag-isip isip ko na sa katapusan ng araw, ako rin naman ang dehado. Kaya't kahit namimikit mikit na ang mga mata't nagluluha luha na ay tuloy pa rin ang trabaho.

Sa awa ng DIYOS ay natapos ko rin lahat ng dapat kong tapusin bago pa man matapos ang araw. Nailathala ko na sa isipan ko ang mga dapat kong gagawin pagka-uwi sa opisina, ngunit nagyaya ang isa sa mga kaopisina ko na si Mark ko na manood ng sine.

Hmmmm...ito ang naging bisyo ko dati. Sa halos bagong palabas na pelikula ay hindi ako absent upang panoorin ito. Sa madaling salita, adik ako sa panonood ng mga pelikula, at hilig kong manood ng mga pelikulang may mga mahika, dahil kaka-bilib ang mga special effects na ginagamit.


Alien vs. Predator 2 ang palabas, at hindi naman naging mahirap sa kasamahan ko na yayain ako dahil naging paboritong pelikula ko rin ang unang sekwel nun.

Medyo maselan nga ang naging reaksyon ko sa unang palabas nito. Marahil dahil na brutal na pinapakita ang pagpatay sa isang tao. Kahit na ba sabihin nating pelikula lang yun, malaki ang magiging impak sa mga kabataan kung yun ay napanood nila.

Kaya't dapat na mag-ingat ang mga sinehan sa ganitong mga bagay, dahil sa kanila nakasasalay ang magiging ugali ng mga nanonood.


Pero dahil medyo maaga-aga pa ay kumain muna kami sa Teriyaki Boy.

Naging paborito ko rin ang kainan na ito, maliban sa masarap ang mga pagkain nila ay napaka-kumportable ang lugar para lumamon..hehehe...

Isang All Time Favorite Chicken ang inorder ko, at ganun din sa kasama ko. At aaminin ko, sa buong pagkakataong kumakain ako dito ay iisa lang ang inoorder ko.


At hindi maikakailang kapag masarap ang kainan ay mapapasarap din ang kwentuhan. Gaya ng kwentuhan sa opisina, nauwi sa buhay buhay, pamilya at pag-ibig. Nakow!. kahit kelan hinding hindi nawawala ang diskusyon sa bagay na ganyan sa halos lahat ng talakayan na maririnig sa radyo man o sa telebisyon.

Itanong ninyo na lang kay Mark kung ano ang napa-usapan, medyo personal na rin kung iisipin, kaya't hayaan na lang natin ang bagay na yan sa kanya.

Mabait itong kasama kong si Mark, sa pangalawang pagkakataon ay nanlibre na naman siya. Nung una ay nung kumain kami sa Buddies Pancit, at ngayon ay ang manonood kami ng sine.

Sa pagkapasok ko pa lang sa loob ay medyo nanigas na ako sa lamig. May sipon at medyo makati na ang lalamunan ko sa umaga pa lang, senyales ng trankaso. Pero binalewala ko lahat yun, at itinuon ko ang isip at mata ko sa panonood.

Hindi nga ako nagkamali, nakapaselan nitong palabas, sa una pa lang ay pinakita na kung pano namatay ang isang bata. Hmmm...kaya siguro nung bumibili pa lang si Mark ng tiket mag-isa ay tinanong siya kung sino ang kasama. Hahaha, marahil inakala ng mga nagtitinda na isang musmos na bata ang kasama niya.

Matinding aksyon din ang aking nasaksihan sa buong palabas. Nag-iisang Predator kalaban sa napakaraming Aliens - astig hindi ba?. Subalit hindi naman siya ang tinuring na bida, dahil sa huli binombahan na lang ng mga National Guards at Security ang area kung saan nagkalat ang mga Aliens. Sa higit kumulang limang libong katao sa bayan na yun, apat lang ang nakatakas at nabuhay.

Marahil ang leksyon natutunan ko sa pelikulang ito ay ang manatiling matatag at magtiwala sa DIYOS, kahit sa napakahirap na sitwasyon. Dahil sa huli ang DIYOS lang ang nakaka-alam.

0

The Anticipation

Biyerner, at ito na dapat ang huling araw ko sa trabaho sa linggong itom, subalit dahil sa hindi ako pumasok nung nakaraang araw, kelangan ko ngayong pumasok sa Sabado.

Sa araw na ito ay napag-usapan na naman ang tungkol sa binabalak ng grupong lumabas. Sa pagkakataong ito ay napagdesisyunan na ang lugar ng pupuntahan. At ito ay ang Montemar Resort sa Bataan.


Hindi pa man nakapunta ang karamihan sa amin sa Bataan ay damang dama na namin ang bakasyon. Gaya ko marahil ay sabik na rin sila upang makapagpahinga. Makalanghap ng sariwang hangin at malinawagan sa gusto nilang gawin sa buhay.

Iilang araw na lang at makakapagpahinga na rin ako...sa gawa, isip at salita.

Sa paglalakbay kong ito, sana ay samahan ninyo ako sa aking pagbalik. Nang sa gayun ay maibahagi ko naman sa inyo kung ano man ang magiging karanasan ko sa pagbabakasyon ko.

No Matter what may come to pass,
God's precious Word still stands,
This universe is held intact
Within His mighty hands.
- Williams

0

Problems and Laughters

Hindi maiwasan sa bawat araw ang mag-isip kung gaano ka hirap ang mabuhay. Marahil halos lahat sa atin ay ninais ang mga paraan ng madaliang pag-unlad sa buhay. Subalit hindi naman talaga ganun kadali ang mabuhay, dahil tayo mismo ang ang nagpapahirap sa ating mga sarili.

Habang tayo'y nabubuhay, tayo'y balot ng problema. Ang iba marahil katatapos lang ng problema, karamihan ay sadlak pa rin sa problema at ang ang iba ay nagsisimula pa lang ang problema. Ika nga balot ang tao sa problema habang nabubuhay. Ito marahil ang bunga ng pagkakasala nila Adam at Eva. Kaya't baon-baon natin ito, at pati na rin ang mga ka-apo apohan natin.

Subalit, hindi naman puro problema ang buhay. Kung susuriin ng maigi, napakabait ng DIYOS upang bigyan tayo ng kasiyahan datapwat may problema. Ito ay ang pananalig at pagtitiwala na ang mga nangyayari sa buhay natin ay may mga rason. Hindi naman kung gaano ka-hirap ang isang problema sinusukat ang kakayahan ng tao, higit dun ay kung gaano katatag and isang tao sa pagharap sa problema.

Sa opisina namin ko lubos natanto ang ganitong pag-iisip. Sa bawat araw na nagdadaan, lagi na lang na may iisipin ka pa paglubog ng araw. Masamang araw? hmmm...pwedeng sabihing ganun na nga, subalit iniisip ko rin ang mga masasayang oras na lumipas, kaya't kung susuriin lamang pa rin ang masasayang sandali. Hahayaan ko na lang ba na balutin ako ng problema at sakit sa ulo?

Ang isa pang nagpapa-gaan sa aking isipan ay ang activity na ginagawa namin tuwing Huwebes. KoneK - isang midweek service na ginaganap sa Jollibee, Makati Ave. Sa gabing ito, naging backup ako para sa aming music ministry.

Kaya't higit abot langit ang saya ng makita ko na naman ang aking mga kapanalig, kapatiran...tinuring kong mga kaibigan at pamilya.

Natapos ang araw na kahit may bakas ng problema ay tuwa naman ang naibaon nito sa aking labi hangang sa pag-uwi.

0

When God Made You

When God Made You Chords by Newsong, www.Ultimate-Guitar.Com

C G Am
It's always been a mystery to me
F C
How two hearts can come together
F G
And love can last forever
C G Am
But now that I have found you, I believe
F C
That a miracle has come
F G
When God sends the perfect one
Dm G Am
Now gone are all my questions about why
Dm F G
And I've never been so sure of anything in my life

Chorus:
C F
I wonder what God was thinking
C G
When He created you
Am F C
I wonder if He knew everything I would need
F G
Because He made all my dreams come true
Dm
When God made you
F G C
He must have been thinking about mme

D A Bm
I promise that wherever you may go
G D
Wherever life may lead you
G A
With all my heart I'll be there too
D A Bm
From this moment on I want you to know
G D
I'll let nothing come between us
G A
And I will love the ones you love
Em A Bm
Now gone are all my questions about why
Em G A
And I have never been so sure of anything in my life

Chorus:
D G
I wonder what God was thinking
D A
When He created you
Bm G D
I wonder if He knew everything I would need
G A
Because He made all my dreams come true
Em
When God made you
G A D
He must have been thinking about me

Bridge:
Em
He made the sun
He made the moon
Bm
To harmonize in perfect tune
G
One can't move without the other
A
They just have to be together
Em
And that is why I know it's true
Bm
You're for me and I'm for you
G
Cause my world just can't be right
A
Without you in my life

Chorus:
D G
I wonder what God was thinking
D A
When He created you
Bm G D
I wonder if He knew everything I would need
G A
Because He made all my dreams come true

Tag chorus:
E A
He must have heard every prayer I've been praying
C#m
Yes He knew everything I would need
A C#m
When God made you
A C#m
When dreams come true
A B E
When God made you He must have been thinking about me

Tuesday, January 22, 2008

0

A Word Anger

Sa talakayan ng 'Our Daily Bread - January 22' ay may mensaheng nais iparating si Apostol Juan.

What did John mean when he said that if we hate someone we are murderers? (1 John 3:15). How does this truth help us to forgive those who hurt us?

You shall not murder
- Exodus 20:13



Sa pagkakataong ito, sana ay masamahan ninyo ako na pag-isipan ang nais iparating sa atin ni Apostle John. Sa mundo nating puno ng karahasan at kasamaan, hindi mo maikakailang magkaroon ka ng sama ng loob sa kapwa mo, subalit naangkop ba sa Kristiyanong pamumuhay ang magtanim ng galit?

Anger is just one letter short of danger

0

God Sustains

Pagkatapos ng apat na araw na bakasyon ay balik na naman ako sa trabaho. Minabuti kong pag-igihan ang trabaho ko sa araw na ito dahil alam kong marami-rami na naman akong tatapusin. Hindi nga ako nagkamali, dahil sa bungad pa lang ng araw ay iilan na nagtanong sa akin tungkol sa hinahawakan kong mga kaso.

Hmmm, mukhang gagabihin ako nito sa dami ng kelangan kong tapusin, ngunit hindi yun ang naging problema ko sa araw na ito, kundi ay ang kakarampot na baryang natira sa bulsa ko. Pilitin ko mang huwag isipin ang tungkol sa pera ay hindi ko maiwasan. Kampante naman ako dahil meron pa naman akong inaasahan sa araw na ito, at yun ay ang chequing nakuha ko sa pagloloan ko sa Pag-Ibig, na sa araw na ito ay papalitan na ng aking kapatid.

Subalit hindi pa man kalagitnaan ng araw ay tumawag ang kapatid ko upang ipaalam sa akin na hindi ppalitan ng bangko ang cheque hangga't hindi ang may-ari mismo ang kukuha. Maliban dun ay kailangan ng tatlong IDs para makuha mo ito. Arrgh! dalawa lang ang IDs na binigay ko sa kapatid ko dahil ang pasaporte ko ay nasa Ahensyang pinag-aplayan ko.

Tuliro ako sa mga sandaling iyun, kaya't pati ang bisor at mga ka-opisina ko ay kitang kita ang pagkadismaya ko sa aking nabalitaan. Ngunit kahit na sa ganoong sitwasyon, higit pa rin akong nagpapasalamat sa DIYOS dahil sa mga kaibigang nais tumulong sa kalagayan ko. Andun ang inalok ako ng perang pautang para lang may pantustos hangang sa susunod na sahod. Subalit tinanggihan ko ang mga alok nilang yun, masaya na ako at dinamayan at inunawa ang sitwasyon ko. Napag-isip isip kong kakasya pa naman ang kukurampot na baryang nasa bulsa ko, marahil ang kelangan ko lang gawin ay ang mag-tiis.


Mabait ang DIYOS dahil natapos ang araw na hindi ko narasanan ang magutom o ang mangamba ng kung anong wala bukas.

Marahil ito ang leksyon ko sa araw na ito. Na kahit walang wala ka na, kapag nasa tabi mo ang DIYOS, magkakaroon at magkakaroon ka, hindi man sa material na bagay kundi ang kakuntentuhan ng pag-iisip.

'Our Dail Bread - January 21' tinalakay ang The World Without. Dito nais iparating ni Mateo na hindi sapat ang panalangin upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa mo. Kung meron ka naman bakit hindi mo kayang bahagian ang nangangailangan - nakakalugod sa mata ng tao at higit lalo sa mata ng DIYOS.

You pay tithe of mint and anise and cummin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faith.
- Matthew 23:23



If I can right a human wrong, If I can help to make one strong, If I can cheer with smile or song, Lord, show me how.
- Kleiser

Monday, January 21, 2008

0

Gathered in Worship

Muli na naman akong nakadalo sa lingguhang pagtitipon naming magkakasama sa pananalig. Sa Blog ko nung 6 Enero, nabanggit ko ang tungkol sa Iglesiang pinaglilikuran ko.

Day By Day Christian Ministry
ang pangalang ng iglesiang kinabibilangan ko. Pebrero 4, 2007 nang una akong isama ng isang malapit na kaibigan at kaopisina na si Bro. Dex. Nai-kwento ko na rin lang, hayaan ninyo na lang akong simulan ang bagong kabanata ng aking buhay nung makilala ko ang mga kapanalig ko ngayon.

Marahil may alam na kayo kung saan ako nagtatrabaho, at likas sa pinagtatrabahuan ko ang mahilig at magnais sa mga makamundong bagay. At ito'y dala dala ng pag-iisip hangang sa pagsasalita - problema. Kung susuriin, nababalot sa tukso upang magkasala ang tao - problema. At ang mga bagay na ito'y nasabi ko dahil ako mismo ay kabilang sa ganitong mundo. Magkamali man ako pero sa isip ko, ang ganitong uri ng sitwasyon ay marahil nangyayari din sa ibang uri ng trabaho. Datapwat ang lahat naman ng sinulat ko ay pawang base sa personal kong naranasan, naobserbahan at nasasalamuha.

Kaya't hindi ko akalain na sa pinagtatrabahuan ko ay makikilala akong mga taong magbibigay inspirasyon na hindi lamang puro problema ang buhay, kundi ito'y biyaya na dapat ipagpasalamat.

Maliban kay Bro. Dex ay dito ko rin lubos na nakasama si Pinky. Magkasama na kami sa dati kong pinagtatrabahuan, subalit hindi naman kami gaanong nakakapag-usap. Marahil dahil sa iba ang grupong kinabibilangan ko at ganun din naman siya.

Para bang pinagsanib na pwersa ang ginawa nilang dalawa upang ako'y maimbita sa kanilang paniniwala. Noong una ay hindi ko lubos matanto ang kanilang ninanais, subalit nang ito'y tumagal tagal ay nalaman ko na ang kanilang sadya - na ako'y mapabilang sa Kristyanong Pananalig. Hindi naman naging mahirap para sa kanila na gawin yun, kahit pa nasa isip ko na ako'y isang deboto ng Birheng Maria at sa Simabahang Katoliko lang sumasamba. Marahil dahil naging aktibo na rin ako dati sa 'Youth for Christ' sa probinsya namin kaya't nasa puso ko pa rin ang maglingkod sa DIYOS.

Ibang-iba at medyo balisa ang una kong naramdaman nung nakilala ko na sila pareho ng lubusan. Naalala ko pa nang binigyan nila ako peraho ng Inspirational Book. Isang NIV Bible na binigay ni Pinky (31 Enero, 2007) at ang Daily Bread 2006 na siyang naging katuwang ko sa aking pang-araw araw na debosyon at repleksyon.

Kaya't lubos akong nagpapasalamat sa kanila, na sa kunting panahon ng aking buhay dito sa mundo ay naging bahagi sila nito. Malaki ang naiambag nila sa buong katauhan ko sa ngayon at mga darating pang araw.

Balikan natin ang kwento ko sa araw na ito. Isang leksyon na naman ang natutunan ko galing sa butihing pastor naming si Pastor Ed. Sa araw na ito kasi tinalakay ang importansya ng pagpapahinga ng DIYOS. Ang pagpapahinga ay isang biyaya na bigay ng langit na kung minsan ay nakakaligtaan nating mga tao.

Maliban sa talakayan, kwento at aral, ang higit na nakakapagpa-antig ng damdamin ko ay kung papaano pinagsamasama ang higit kumulang isang libong tao upang makinig sa magandang balita na ito. Paniniwala - ang tawag dito, at ito rin ang leksyon na siyang tinalakay sa 'Our Daily Bread - January 20' na pinamagatang The Difference Faith Makes.

The fool has said in his heart, "There is no GOD".
- Psalm 14:1




Come to the Light, 'tis shining for thee, Sweetly the Light has dawned upon me; Once I was blind, but now I can see - The Light of the world is Jesus.
- Bliss

0

Life's Experiences, Life's Lessons

Tinalakay sa 'Our Daily Bread - January 19' ang importansya ng mga turo ng buhay. Sa lahat ng mga nangyari sa buhay natin ay pawang mga leksyon na dapat matutunan.

Marahil kaya ko nasimulan ang Blog na ito dahil ang tanging nais ko ay ang matuto sa mga aral ng buhay na pang araw araw.

Hindi ko na siguro kelangan palawakin pa ang talakayang ito dahil sa aaminin man natin o sa hindi, kelangan nating matuto sa bawat araw na lumipas upang tayo'y lumago, lumaki at lumawak sa salita at pag-iisip.

Have you considered My servant Job?
- Job 1:8


Hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang dula na kasama sa talakayang ito :

Affliction has been for my profit
That I do Thy statutes might hold;
Thy law to my soul is more precious
Than a thousands of silver and gold.
- Psalter

Friday, January 18, 2008

0

The Results

Marahil nabitin kayo sa nai-kwento ko sa inyo sa kahapong Blog. Minabuti kong ilagay sa araw na ito ang kasunod na mga nangyari dahil sa mahaba-haba rin ang maisusulat ko.

Sa isang daang aplikante na nagbaka-sakaling makapagtrabaho sa Singapore, iilan na lang ang natanggap. Pagkatapos kasi nang unang interbyu ay may kasunod pang isa. Pumasa ako sa unang interbyu, at bali-balitang mahirap ang pangalawang interbyu. Sobrang bait ng DIYOS at nagpapasalamat ako at sa araw na iyun ay hindi ko naramdaman ang matinding kaba sa kung ano ang tatanungin sa akin, bagkus ay kusang lumalabas ang mga salita sa aking bibig. Alam kong nasa tabi ko ang Panginoon nung mga oras na yun.

Matapos ang pangalawang interbyu ay pinhintay ulit ako, hudyat na upang isipin ng mga kasabayan ko na pasado na ako.

Matagal-tagal na proseso din ang pinagdaanan ko. Kinain ang buong araw ko sa paghihintay. Madali akong mabagot sa paghihintay, pero sa araw na yun ay nagawa kong magtiis.

Ilang minuto pagkatapos ng huling interbyu ay tinawag ako ng tagapangalaga ng ahensya upang sabihin sa akin na tumawag na lang daw ako upang kumpirmahin ang status ng aplikasyon ko. Ayun sa kanila, pasado ako, subalit puno na ang listahan ng hinahanap nila, ika nga - nasa waiting list ako, na kung merong aalis o mag-back out, ako ang susunod sa hanay.

Medyo dismayado ang naging reaksyon ko nang sabihin sa akin na ganun. Ang sa akin lang, tanggap kung tanggap at uwi kung hindi.

Hindi naging malinaw ang usapin na yun dahil hindi ko lubos nakuha ang ibig nilan sabihin. Subalit masaya namang akong umuwi, dahil alam kong hindi ako bigo. Napatunayan ko na sa tulong ng DIYOS, kaya ko rin palang makipag-usap sa ibang tao, ibang lahi, nang walang bahid ng takot at pangamba. Na pwede mong ipamukha sa kanila ang iyung dignidag at lahi. Na sa kabila ng lahat ng pangit na nakikita nila sa bansa natin ay may likas tayong harapin sila. Na sa kabila ng lahat, may maipagmalaki pa rin natin ang lahi ng Pinoy na higit nating ipagpasalamat sa DIYOS.

Sana nakuha ninyo ang punto ko, dahil ito ang naging paksa ng 'Our Daily Bread - January 18', Get The Point.

Lord. I know that salvation is by faith because of Your grace. Help me not to require anything else from myself or others, so that I cannot boast in my goodness - but only in Yours. Amen


A man is not justified by the works of the law.
- Galatians 2:16

Thursday, January 17, 2008

0

The Interview

Maaga akong nagising sa araw na ito, may importante kasi akong lakad kaya't hindi pwedeng mahuli. Ito kasi ang araw kung kelang darating ang mga may-ari ng kumpanyang ina-aplayan ko sa Singapore, at lahat ng mga nag-aplay ay pinatawag para makita at makausap nila.

Hindi na rin bago sa akin ang ma-interbyu, dahil sa pinagdaanan ko na rin yun sa tuwing nag-aaplay ako sa mga kumpanya. Pero iba ang araw at pagkakataong ito. Ngayon kasi, hindi lokal na mamayan ng Pilipinas ang kakausapin ko kundi isang dayuhan.

Sa trabaho ko, marahil nakausap ko na ang lahat ng klase at uri ng tao. Pero ang kinaibahan nito ay makakausap ko ngayon ang isa sa mga lahi ng personal.

Sa Bayview Hotel nagkita-kita ang mga may-ari at ang mga nagsipag-aplay. Marami-rami rin akong nakilala sa araw na iyun, maliban na sa mga nakasabayan ko nung orientation. Higit kumulang isang daan ang mga taong andun, nagbabaka-sakaling tanggapin at makapagtrabaho sa ibang bansa. Isang daang taong sinagad na sa teknolohiyang trabaho dito sa bansa. Isang daang taong puno ng ambisyon sa buhay.

Matagal-tagal din akong nag-intay para tawagin at ma-interbyu. Mabuti't may hinandang kape. biskwet at mani ang ahensiyang nagpatawag sa amin, kaya't kahit papaano'y nababasawan ang antok at pagod sa paghihintay. Maliban dun, sa tapat mismo ng hotel ay ang napaka-gandang tanawin ng Manila de Bay, kaya't naiibsan ang pagod at buraot sa kahihintay.


Isa-isa nang tinawag ang mga aplikante, at dahil sa marami, nasa kalagitnaan pa ang pangalan ko. Habang kami'y naghihintay isang representante, isang Instik, ng kumpaya ang pumasok sa silid namin upang bigyan kami ng impormasyon ukol sa bansa nila.

Maka-ilang ulit niya ring ikinumpara ang buhay dito sa Pilipinas at ang buhay sa Singapore. Marahil ay naka-ilang beses na ring siyang pabalik-balik dito kaya't alam na alam na niya ang ugali, buhay at baho ng mga Pinoy.

Hindi pa man ako nakapunta sa Singapore ay nakikita ko na ang lugar nila sa mga kwento niya. Maliit lang ang Singapore kumpara sa Pinas, subalit isa ito sa mayamang bansa sa Asia. Malinis ang paligid at higit niyang pinamamalaki ang malinis nilang hangin. Ang kaayusan sa kalsada at ang tahimik na kapaligiran.

Ang problema lang sa Singapore, dahil sa maliit nga lang ito ay ang kawalan nila ng likas na yaman. Biruin mong sa ibang bansa pa kumukuha ng tubig inumin? Pero ganun pa man, napapanatili nilang maayos ang kanilang bansa. Marahil sa mahal ng mga Singaporean ang kanilang bansa kaya't nananatili itong maayos, at hindi naging hadlang ang mga kakulangan upang hindi umunlad ang kanilang bansa.


Napag-isip isip ko na kung tayong mga Pilipino ay may ganung pag-iisip gaya ng mga Singaporean, marahil mas higit na maunlad ang bansa natin. Hindi lang dahil sa may tubig na nakapalibot sa atin, kundi dahil likas sa ating mga Pinoy ang magtulong-tulong, iyun nga lang nakalimutan na natin na walang magagawa ang pagiging matulungin kung alang pag-kakaisa at pagmamahal sa bansa.


Loving The Unlovable ang naging paksa sa usaping ng 'Our Daily Bread - January 17'. Gaya ng nai-kwento ko, maabot lang ang kasaganahan at kaayos kung makukuha nating mahalin ang bansa natin, gaya ng pagmamahal ni Jesus sa atin, na dahil sa kasalanan hindi naman karapat-dapat mahalin.

The Son of Man has come to seek and to save that which was lost.
- Luke 19:10


We need to see through Jesus eyes
Our neighbors who are lost;
For then we will reach out to them
Regardless of the cost.
- Sper



Wednesday, January 16, 2008

0

Words Can Change You

Nagkaroon ng kunting aberya sa opisina ngayong araw na ito. Hindi ko lang kasi matanggap ang mga salitang narinig ko sa isa sa mga kliyente namin. Hindi ko rin lubos akalain na sa tinagal-tagal ng pagpoproseso ko sa kanyang problema ay nakuha pa niyang maniwala sa iba at imbes na pagtuunan ng pansin ang problema ay sa akin ibaling ang inis at galit sa hindi pang naayos na problema.

Higit kong ikinagulat nang bigla niyang sabihin na ikinulo ang mga prosesong ginawa ko ng isa sa mga kasamahan naming higit naming pinagkakatiwalaan at inaasahan. Ayun sa kliyente, pinasinungalingan daw ng kasamahan namin ang mga proseso ng kanyang kahilingan at mga pakiusap.

Pumintig ang tenga ko at sa inis ko ay ibinaling ko sa kasamahan namin ang puno't dulo ng problema. Sa wari ko, total makikita naman ng lahat ang mga detalye ng mga pangyayari dahil sa ang lahat ng transaksyon ay nakatala at nakatago sa sistema ng companya.

Sa bandang huli, hindi ako nagpanaig sa takot at hinarap ko ang araw ng buon tapang at dignidad. Napagtanto ko na hindi sa lahat ng bagay ay kelangan mong magpakumbaba at magsa-walang kibo na lang, lalo na't ang karangalan, dignidad at pangalan mo ang nakataya. Importante ang lakas ng loob upang harapin ang anumang pagsubok na dadaraan sa buhay, at higit na magpursige kang lumaban kung alam mong kakampi mo ang tama.


Hindi ko man marahil naekwento ang bawat detalye ng mga nangyari, dahil hindi ko naman hangad na palawakin at pahabain pa ang diskusyon ng giyera, subalit ang nais ko lang iparating sa madla ang importansya na alamin ang tama sa mali. At kung ito'y natukoy mo na, piliin mo sana ang kumampi sa tama. Dahil kung nasaan ang DIYOS andun ang laging tama.


Sa pagmuni-muni ko sa araw na ito, higit akong natuwa dahil ito rin ang usapin sa 'Our Daily Bread - January 16' na pinamagatang Doing Justice. Ang kwento ko marahil ang siyang makakapagbigay linaw sa paksang ito.


You shall not follow evil; nor shall you testify in a dispute so as to turn aside after many to pervert justice.
- Exodus 23:2



Justice is the clarion call for all Christian -
We cannot step aside from what GOD said
He has told us how to treat our neighbor,
And we must follow in the path He's led.
- Hess

Tuesday, January 15, 2008

0

Reminisced Puerto

Salamat sa DIYOS at maayos ang naging takbo ng mga gawain ko sa araw na ito. Kahit hindi gaano kaganda ang simula, dahil sa ako'y nahuli na naman pumasok sa trabaho, subalit nagtapos naman ito ng tama. Bungsod marahil ito ng isa na namang masayang usapin at talakayan kasama ang mga ka-opisina ko.

Hindi ko pa marahil naisama sa mga kwento ko ang tungkol sa plano naming magkaka-opisina ang magbakasyon. Matagal-tagal na rin naming plano yun at ngayon nga'y napag-isipan na namin na sa dinami dami ng aming mga ginagawa, ngayon lang ulit kami makapag-relaks. Yung tipong wala kang ibang iisipin kundi ang magpahinga, matulog, kumain...magpahinga.

Kaya't sa araw na ito, todo paghahanap sa internet ang mga kasamahan ko kung saan ang magandang lugar para sa mga kagaya naming pagod.


Noong nakaraang taon ay sa Puerto Galera sa may dakong Mindoro kaming magkakasamang pumunta, kaya't ngayon taon ay napagdesisyonan naming huwag na dun ulit magbakasyon, ika nga, ibang putahe naman.






Marami-rami din kaming nakitang magagandang tanawin, pools at resorts na nakita, subalit ang talagang nakahatak sa amin ay ang Grande Islang Resort sa Subic. Sa letratong aming nakita, mukhang napaka-tahimik ng lugar, at talaga namang kaaya-aya. Hindi ko lubos maitago kung gano ako natuwa na isa iyun sa lugar na pinili ng aking mga kasama. Hindi naman kasi ako mapili sa lugar, kahit saang tahimik ay pwedeng pwede sa akin. Ang habol ko lang ay mapagmasdan ang araw sa kanyang pagsikat hangang takipsilim.


Ito na siguro ang kailangan ng aking isipan, ang matahimik at makapag-isip ng mga bagay bagay sa buhay. Sa aking pagbabasa ng 'Our Daily Bread - January 15' na may pamagat na No Grudges After Sunset ay napagisip-isip ko na pag-usapan na rin ang tungkol sa bagay bagay an nagpapagulo sa buhay.

Hayaan niyong ibahagi ko ang isang verse na nabasa ko :


Do not let the sun go down on your wrath.
- Ephesians 4:26


Dati hirap na hirap akong patawarin ang mga nagkakasala sa akin. Higit pa dun, hangad ko rin ang makaganti. Subalit nang mabasa ko ang verse na ito, ilang buwan lang ang nakaraan, ay unti-unting humupa ang mga kulog ng galit sa aking dibdib. Marahilm, higit akong tinamaan sa linyang ito kaya't at natuto sa aking pagkakamali.

Sadya nga namang masaya at mas ma-eenjoy mo ang buhay kung sa pagtatapos ng bawat araw ay may tuwa sa inyong mga labi at ligaya sa puso dulot ng pagpapatawad.

Mahirap ang magpatawad alam ko, depende kung gano kabigat ang nagawa sa iyo, pero mas higit na mahirap ang may dinadalang sakit ng damdamin sa bawat araw. Kung ang DIYOS nakakapagpatawad - mas higit na ikinalulugod Niya kung tayong mga tao ay ganun din.


Anger, malice, and ill will Can leave a stain of sorrow; Ask forgiveness by His grace Before it is tomorrow!
- Bosch

Monday, January 14, 2008

0

Laughters After Work

Noong nakaraang Biyernes ay nilibre kami ng boss namin sa Giligans sa bagong Trinoma. Nag-aatubili pa ako nung una dahil sa medyo pagod na rin ako pagkatapos ng trabaho. Pero dahil ika nga libre tinabla ko na ang pagod na nararamdaman ko.

Maliban sa libre, makakasama ko pang kumain ang mga kasamahan ko sa trabaho at naging malapit na kaibigan ko na rin.

Masaya ang naging biyahe namin. Sakay sa taxi ay puno kami ng tawanan at halakhakan. Mga katatawanan sa opisina, trabaho at kung anu ano pa ang siyang naging paksa ng talakayan. Sa madaling salita ay napalitan ang pagod ng saya at tuwa.

Ngayon lang ako nakapunta ng Trinoma Mall kaya't manghang mangha ako sa pagkaka-ayos nito. Hindi gaya ng dati na nating nakikitang Malls, kakaiba ang pagkaka-disenyo nito. Puno ng halaman ang palagid at hindi ko akalaing may garden sa taas nito. Para bang hanging garden ang dating para sa akin.

Ang mga tiangge nito ay hindi ang kaswal na bloke lamang, kundi kung ano ang hugis ng gusali ay siyang hugis nito.


Sa tinagal ng ikot namin sa loob ay nakaramdam na rin kami ng gutom, at napagdesisyonan ng boss namin na sa Giligans kami kakain. OK na sana ang lugar, kaso walang bakante sa mga oras na yun, kaya't oras na naman ang siyang aming hinitay. At marahil sa tinagal tagal naming naghintay ay hindi na rin kinaya ng boss namin.

Hmmm, pagkatapos ng mahabang diskusyon at debate sa nagbabantay, nakakuha din kami ng pwesto sa wakas.

Ngunit hindi lamang nauwi sa kainan ang gabing iyun, dahil kagaya ng mga nangyari sa taxi, ay tuloy ang tawanan, hagikgikan at kwentuhan namin. Siguro nga dahil nakakain na kaya marahil dumaloy ulit ang mga enerhiya sa katawan.

Kasama ng mga pictures na kuha sa gabing yun, nakapagbalik tanaw ako sa kung gaano kabuti ang DIYOS sa tao. Dahil sa biyaya ng pagkakaibigan, pagkakaisa at kasiyahan ay napagbubuklod Niya ang mga tao.

What Makes GOD Laugh? - eto ang naging paksa sa 'Our Daily Bread - January 14'. Ang tawa na naiugnay ko sa kwento ko ngayong araw ay kelanman hindi makukumpara sa tawa ng DIYOS, dahil ang Kanyang tawa ay nagbibigay ng katiyakan na si Jesus ay magwawagi sa kasamaan. Kaya't kung sino man ang kasapi Niya ay hindi matatalo kailanman.

He who sits in the heavens shall laugh; the Lord shall hold them in derision.
- Psalm 2:4


God dwells in light and holiness,
In splendor and in might;
It's godly fear of his great power
That helps us do what's right.
- D. De Haan

0

Aspects of Life

Kapag pera nag usapin, medyo sensitibo dyan ang mga Pinoy. Iba iba kasi ang sitwasyon natin pagdating sa pera, merong mayaman sa pera, tamang tama lang at meron din naghihingahos. Ganun pa man, kahit nasa anong kategorya ka, sigurado meron kang iisiping problema.

Problema ng mga mayayaman kung pano nila gagastusin ang mga pera nila. Meron dyan ang bumibili ng kung anu-ano para lang gumasta. At sa pagtatapos ng araw, namomroblema pa rin kung pano gagastuhin ang pera kinabukasan. Hay! ang sarap siguro kapag nakahiga ka sa pera ano?


Ang mga tamang tama lang ay pinoproblema naman ang mga ekstrang gastusin. Pagkatpos mag-todo shopping ay subsob ulit sa trabaho upang muli'y kumita. At ang mga luho na hindi na pwedeng pagbigyan dahil sa sapat lang ang kinikita ay siyang nasasakripisyo. Ito marahil ang sitwasyon ng nakararami.

At marahil alam niyo na kung ano ang problema ng walang pera, hindi ko na po siguro kelangan palawakin pa, hindi ba?

Pero hindi naman talaga usapin ang pera pagdating sa ating mga Pinoy. Mas importante pa rin ang pakikitungo natin sa kapwa at ang pala-kaibigan upang higit tayong yumaman, hindi man sa salapi, kundi sa mga kaibigan.

Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang ipinasang e-mail ng isa kong kaibigan :

There was a one hour interview on CNBC with Warren Buffet, the second richest man who has donated $31 billion to charity.
Here are some very interesting aspects of his life:

1. He bought his first share of stock at age 11 and he now regrets that he started too late!

2. He bought a small farm at age 14 with savings from delivering newspapers.

3. He still lives in the same, small 3-bedroom house in midtown Omaha, that he bought after he got married 50 years ago. He says that he has everything he needs in that house. His house does not have a wall or a fence.

4. He drives his own car everywhere and does not have a driver or security people around him.

5. He never travels by private jet, although he owns the world's largest private jet company.

6. His company, Berkshire Hathaway, owns 63 companies.He writes only one letter each year to the CEOs of these companies, giving them goals for the year. He never holds meetings or calls them on a regular basis. He has given his CEO's only two rules. Rule number 1: Do not lose any of your shareholder's money. Rule number 2: Do not forget rule number 1.

7. He does not socialize with the high society crowd. His pastime after he gets home is to make himself some popcorn and watch television.

8. Bill Gates, the world's richest man, met him for the first time only 5 years ago. Bill Gates did not think he had anything in common with Warren Buffet. So, he had scheduled his meeting only for half hour. But when Gates met him, the meeting lasted for ten hours and Bill Gates became a devotee of Warren Buffet.

9. Warren Buffet does not carry a cell phone, nor has a computer on his desk.

His advice to young people: 'Stay away from credit cards and invest in yourself, and remember:

A. Money doesn't create man, but it is the man who created money.

B. Live your life as simple as you are.

C. Don't do what others say. Just listen to them, but do what makes you feel good.

D. Don't go on brand name. Wear those things in which you feel comfortable.

E. Don't waste your money on unnecessary things. Spend on those who really are in need.

F. After all, it's your life. Why give others the chance to rule it ?


Karangalan ang pinag-usapang sa 'Our Daily Bread - Jun 13' na pinamagatang The Greatest Honor. At gaya nang ibinahagi ko, karangalan din ang nakamit ni Warren Buffet dahil sa pupursige niya sa buhay, na kahit nakamit na niya ang rurok ng tagumpay, pilit pa rin siyang nagpapakumbaba. Nawa'y maging inspirasyon siya sa atin.


I will go to the king, which is against the law and if I perish, I perish!
- Esther 4:16



Life's labor done, as sinks the clay,
Light from its load the spirit flies.
While heaven and earth combine to say,
"How blest the righteous when he dies!"
- Barbauld

Saturday, January 12, 2008

0

Name is Important

Nakahiligan ko na ang maglaro ng Lineage II, isang Online Game kung saan pilit kong pinapalakas ang tao ko, karakter ang tawag namin dito, at marahil dahil sa mismong ang karakter mo rin ang siyang binabago nito.


Maliban sa nakakatuwa ang larong ito dahil dito kami nagkikita-kita ng mga kaibigan ko, hindi maiiwasan sa laro ang magkabiruan, magkatuksuhan at magka-asaran, na sa huli ay hahantong sa awayan at personalan.

Importante sa laro ang pangalagaan ang pangalan. Hindi lamang ang karakter mo, kundi pati na rin ang pangalan ng kinabibilangan mo, o tinatawag naming 'clan'. Tingnan ninyo na lang sa susunod na mga Posts ko nito sa http://larongadik.blogspot.com.


Sa araw na ito kasi ay nagkaroon ng programa ang bumubuo nitong laro upang lalo itong mabigyan pansin ng publiko. Sa Mall of Asia ginanap ang palabas at mga palaro.

At dahil nga nakahiligan ko ito, pumunta na rin ako sa pinagdausan upang personal kong masaksihan ang mga mangyayari. Mapa-bata man o matanda, lalaki, babae o ung nasa gitna ay hindi mo akalaing madadarang sa larong ito, at andun silang lahat upang saksihan ang mga nagaganap.

Nung una naisip ko na baka hindi papatok ang ganung programa, dahil kukunti lang ang nakikita kong naglalaro, subalit nagkamali ako. Siksikan din para lang makakuha ng mga libreng souvenirs ng laro, hindi na rin ako nagpahuli.

Pero hindi tungkol sa laro ang nais kong iparating sa araw na ito, kundi ang nabasa ko sa 'Our Daily Bread - January 12' na pinamagatang Your Name is Safe.

Gaya sa laro, pangalan ang importante para magkaroon ka ng reputasyon, at pangalan din ang siyang tinatandaan ng mga kaaway, at ito ang ikinakatakot ng maraming mahihina pa lang.

Kaya't nung magkita-kita kanina sa programa, pilit kong tinatago ang 'name tag' ko, dahil baka isa sa mga nandun ay isa sa mga naka-away ko sa laro o sa mga kasamahan ko. Takot akong personalin at mamersonal na rin.

May mga iilan nga akong nakikita dun at sa aking paglilibot ay tahimik at payapa naman ang lahat. Siguro nga napapraning lang ako sa mga nangyayari sa laro. Marahil naipapamuhay ko na ito kaya't ganun na lang ang pag-aalala ko. Hmmm...hindi dapat, hindi dapat. Ang laro ay laro lang. Sa aking pagiikot ay may nakilala akong isang kaibigan, hindi kami nagkakilala sa totoong buhay, pero kung anong pangalan ng karakter namin ay ganun na lang ang tawagan. Nakakatawa dahil pawang nawala kami saglit sa totoong mundo. Pero sa maikling usapan namin, sa kanya ko nakita kung gano niya pinahahalagahan ang buhay, higit pa sa laro.

Sa repleksyon ko ngayong gabi, galing sa 'Our Daily Bread - January 12' na pinamagatang Your Name Is Safe, nagulat na lang ako kung bakit angkop ito sa nararamdaman ko. Higit sa laro, ang pangalan mo ng buhay ay siyang mas importante sa DIYOS.

The Father knows your name - but more than that,
He knows your heart and all you think and do;
With Him your name is safe - that will not change -
But one day He will write your name anew.
- Hess


I will give him a white stone, and on the stone a new name written which no one knows except him who recieves it.
- Revelation 2:17

0

Surprised By Joy

Higit pa man sa naging karanasan ko sa buhay ay maikukumpara sa ko sa naging buhay ni C.S. Lewis, ang batikang manunulat ng 'Chronicles of Narnia'.

Sa kasagsagan ng kanyang kabataan, nagdesisyon si Lewis na humiwalay sa kinalakihang relihiyon at nagdeklarang maninindigan siyang walang pinaniniwalaan. Para sa kanya, pawang mga kathang isip lang lahat ng niloloob ng isang relihiyon, walang katotohanan.



Lumipas ang 30 taon, saka niya tinanggap si Jesus bilang Diyos at Taga-Pagligtas, saka niya naisulat ang librong 'Suprised By Joy'. Aaminin kong hindi ko ito personal na binasa, subalit mai-rerekomenda ko ang librong ito, marahil dahil sa marami sa atin ang makakapag-ugnay sa mga naramdaman niya at marahil dahil sa salitang hinugot sa isang pusong naligaw ng landas :

"No word in my vocabulary expressed deeper hatred than the word interference. But Christianity placed at the center what then seemed to me a transcendental Interferer. There ws no region even in the innermost depth of one's soul which one could surround with a barbed wire fence and guard with a notice 'No Admittance.' And that was what I wanted; some are, however small, of which I could say to all other beings, 'This is my business and mine only.' "


Dahil sa kalayaan, may karapatan tayong sabihin na hayaan na lang tayo ng DIYOS, pero may mas higit na karapatan ang DIYOS na magpumilit na ipagpatuloy ang pagtulong Niya sa atin.


Behold, I stand at the door and knock.
- Revelations 3:20


Lahat ng ito ay nasa 'Our Daily Bread - Jun 11' na may pamagat na Don't Bother Me.


What joy and blessings we can know When Jesus comes to dine! He brings His riches and His love And fellowship divine.
- Branon